Xander Ford, magiging tatay na? Tanong ng netizens: ‘Sino ang ina?’

Bagong responsibilidad ang gagampanan ni Xander Ford.

Xander Ford, magiging tatay na? Tanong ng netizens: ‘Sino ang ina?’-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/17/2022 08:59 PM
Xander Ford, magiging tatay na? Tanong ng netizens: ‘Sino ang ina?’
Photo credits: @z4nder.official on Instagram

Tahimik at malayo na ngayon sa kontrobesiya ang social media personality na si Xander Ford o Marlou Arizala sa tunay na buhay.

Sa pamamagitan ng isang Instagram post ni Xander nitong August 7, tila isang bagong milestone ang haharapin ng social media personality bilang isang ama.


“Sana Samahan nyo ako sa Journey nang pagiging First Time Daddy. Upload soon,” post ni Xander sa kaniyang Instagram na sinundan ng katagang, “Thank you Lord for this Angel.”

Matatandaan na huling gumawa ng ingay sa social media si Xander nang siya ay damputin ng otoridad matapos ang isinampang kaso ng pangmomolestiya umano niya sa dating nobya.

READ: Xander Ford, inaresto

Bago pa man ang paratang na pangmomolestiya, unang inilantad ni Xander ang kaniyang tunay umanong gender preference bilang isang bisexual.

READ: Xander Ford, iniladlad ang tunay na kasarian

Kasunod ng pagladlad umano ni Xander, tila hindi naman nakumbinsi ang maraming miyembro ng LGBTQIA+ community na siya ay isang tunay na bisexual at pinaratangan rin na tumatakas lamang sa kontrobersya na kaniyang kinakaharap.

READ: ‘Ginamit mo lang ang pagiging Bisexual,’ LGBT groups, nagpatutsada kay Xander Ford

Tahimik man sa kaniyang pribadong buhay, tila hindi pa rin nalilimutan si Xander ng netizens matapos ang lantaran niyang pagsasailalim sa cosmetic procedure para ibahin ang kaniyang pisikal na itsura.

Sa huling ulat ng PUSH, ibinahagi niya ang tila mga realizations niya sa buhay kabilang na ang bigat ng responsibilidad na nakapasan sa kaniya bilang breadwinner ng kaniyang pamilya.

READ: Xander Ford, ibinahagi ang realizations sa buhay

“Sa totoo lang pinipilit ko kumain sa araw-araw kahit puro problema ang iniisip ko. Dahil isa ako sa libo-libong kabataan na maaga nang namulat sa kahirapan dahil ganito naman talaga sa Pilipinas eh,” bahagi ng post ni Xander.

“Una, dami kong binabayaran na mga utang ng Mama at Papa ko. Pangalawa, nagbabayad ako ng bahay, tubig, kuryente, at pang araw-araw naming gastusin sa bahay. Pangatlo, bayarin sa pag-aaral ng mga kapatid at pamangkin ko. Pang-apat, problema sa mga kinakaharap kong kaso. Panglima, problema sa pagkukunan ng trabaho dahil wala na talaga akong maayos na trabaho.”

Inamin rin noon ng social media personality na naapektuhan rin aniya siya ng panghuhusga ng maraming tao sa kaniyang pisikal na itsura.

“At siyempre yung mga taong hinuhusgahan ako dahil sa itsura ko. Madami akong mga bagay na hindi ko alam paano ko matatapos at hindi ko alam paano ko uumpisahan.”

Gaya ng marami, isa lang rin ang pangarap ni Xander para sa kaniyang sarili at sa pamilyang umaasa sa kaniya.

“Gusto ko makatulong makaipon, kahit konting panahon pa. Gusto ko matupad mga pangarap ko para sa aming pamilya. Isa na lang ang need ko yung magkaroon ako ng isang bagay na magbibigay ng income para sa amin. Gusto ko mag-livestream. Gusto ko talaga mag-work na at makaipon pa.”

Si Xander ay unang nakilala bilang isa sa mga miyembro ng nabuwag nang all-male group na Hasht5.