• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi pinalagpas ni Vice Ganda ang naglalabasang chismis tungkol sa kaniyang relasyon kay Ion Perez.

Vice Ganda, sinagot ang isyu na hiwalay na daw sila ni Ion Perez

Hindi pinalagpas ni Vice Ganda ang naglalabasang chismis tungkol sa kaniyang relasyon kay Ion Perez.

Vice Ganda, sinagot ang isyu na hiwalay na daw sila ni Ion Perez-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/17/2022 03:31 PM
Vice Ganda, sinagot ang isyu na hiwalay na daw sila ni Ion Perez

Sa naganap na episode ng It’s Showtime nitong August 16, Miyerkoles, tinuldukan na ng Kapamilya host na si Vice Ganda ang naglabasan na balita sa di umano’y hiwalayan nila ng kaniyang partner na si Ion Perez.

Matatandaan na kamakailan lang, naging item ng mga pahayagan ang relasyon ni Vice at Ion na di umano’y hiwalay na kasunod ng na nai-ulat ng veteran entertainment columnist at host na si Cristy Fermin sa kaniyang online show.

Kaya naman, isang mahigpit na akap ang ibinigay ng Kapamilya host sa kaniyang partner na nagbalik Showtime matapos ang anim na araw na bakasyon sa Japan.


“I’m celebrating dahil bumalik na si Ion from Japan,” masayang bungad ni Vice.

Ani Vice, ito ang pinakamatagal na paghihiwalay nila ng nobyo matapos ang pagsasama nila sa isang bubong noong nagsimula ang pandemya ng COVID-19.

“Oo alam mo umiiyak na nga ako sa gabi. Magmula kasi noong pandemic, nagsama kami sa bahay tapos hindi na kami nagkaroon ng time na maghiwalay ng matagal. Pinakamatagal naming hiwalay three days, kunwari mayroon akong raket, siya pupunta ng Tarlac. Pero yung six straight days, alam naming malayo, first time ‘yun” sambit ng Kapamilya host.

Inamin rin ni Vice na bahagi ng kanilang relasyon ni Ion ang pagbabalanse ng kanilang mga oras para sa kanilang mga pamilya.

“We missed each other. Pero kasama ko ang pamilya ko noong wala siya. Balance. Nagpunta siya ng Japan kasama niya ang pamilya niya, nagpunta ako ng Bohol kasama ko pamilya ko. So bala-balanse time with our families and then back in each other’s arms ganon!”

Mensahe ni Vice sa mga kumakalat ng chismis tungkol sa kanila: “Masaya kami. Huwag kayong gumagawa ng mga ano, mga chismosa kayo! Hiwalay na daw kami ni Ion?” pagbibirong tugon ni Vice sa kapwa It’s Showtime host.

Sundot ni Vice: “Etong mga damonyong ‘to. Hoy, mga damonyo!“ masayang pahayag ni Vice.

Sa huli, isa lang ang sinigurado ni Vice: “Pero masaya kami rito. Masaya kaming magjo-jowa kaya wag kayong ano. Mga damonyo kayo.”

Taong 2019 nang magsimulang isapubliko ni Vice ang kaniyang matamis na relasyon kay Ion.

RELATED LINK: Vice Ganda, ipinangalandakan ang pagmamahal kay Ion Perez

RELATED LINK: Vice Ganda proud kay Ion Perez: ‘Mabuti naman siyang tao, so bakit ko naman siya ikahihiya?’