• Home
  • Fresh Scoops
  • Ruffa Gutierrez, pumirma na ng management contract sa Viva Artists Agency.

Ruffa Gutierrez nagpatulong sa ibang manager para hindi ma-stress ang inang si Annabelle Rama

Ruffa Gutierrez, pumirma na ng management contract sa Viva Artists Agency.

Ruffa Gutierrez nagpatulong sa ibang manager para hindi ma-stress ang inang si Annabelle Rama-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/17/2022 05:34 PM
Ruffa Gutierrez nagpatulong sa ibang manager para hindi ma-stress ang inang si Annabelle Rama
Photo credits: @iloveruffag on Instagram

Pumirma na ng management contract sa Viva Artists Agency (VAA) kahapon, August 16, 2022 si Ruffa Gutierrez. Ang dating beauty queen ay mina-manage ng kanyang inang si Annabelle Rama pero bawal na raw itong ma-stress kaya ang Viva na ang mangangalaga ng kanyang showbiz career ngayon.

“I remember there was a time in her life that the doctors said bawal na siyang mag-manage kasi bawal siyang ma-stress kaya medyo nag-lie low siya sa pagma-manage ng mga artista.

“But because she’s my mom, she’s never going to go away and I honor her. So, Viva will be managing my career, she will be there as my co-manager, and I just want my mom to be happy,” lahad ni Ruffa sa ginanap na virtual presscon kahapon pagkatapos ng kanyang contract signing.


“Kanina nga, binibiro ko si Boss Vic (del Rosario), ‘Bigyan mo lang ng envelope si Mommy to make her feel important, masaya na yan, di ba?’ Kunyari lagi siyang kasali. Kunyari, she’s always part of the equation.

“So, let’s give it to her because we should always honor our parents, kahit na makulit si Mommy minsan. Kahit inaaway niya ako lagi, but that’s the way she is,” dagdag na kuwento pa ng Miss Q & A hurado sa It’s Showtime.

BASAHIN: Ruffa Gutierrez on the status of her love life: ‘I don’t believe in whirlwind romance’

Patuloy pa ni Ruffa, “Ang maganda kay Mommy ngayon, she has Boss Vic and the Viva family to handle my career. And she’s always going to be a part of my life and my career, not only because she's my mom, but I think my mom also has a lucky streak.

“Anything mom touches also turns into gold, and marunong talaga siyang makisama sa mga tao.”

Binalikan din ni Ruffa ang first encounter niya sa Viva habang kababalik pa lang niya sa Pilipinas mula sa Amerika noong dekada ’80. Kinukuha na raw siyang contract star ng kumpanya pero hindi naman ito natuloy.

Kuwento ni Ruffa, “I am very, very honored and excited to be a part of Viva Artists Agency. Since the 1980s, napakalapit ko na po sa aking Viva family, kay Boss Vic del Rosario.

“And the very first person that took me shopping po pagdating ko dito galing sa United States was the late Miss Mina Aragon. Nililigawan niya po ako para maging part ng Viva family pero mas mabilis nung mga panahon na yon si the late Donna Villa kaya sa Golden Lion po ako pumirma.

“But you know, napakaliit po ng industriya kasi umiikot lang naman tayo in circles and now, after how many decades, two decades, I’m here now with Viva.”

BASAHIN: Ruffa Gutierrez talks about her daughters’ reunion with ex-husband Yilmaz Bektas as ‘three years in the making’

Si Mina Aragon na tinutukoy ni Ruffa ay ang pumanaw na asawa ni Boss Vic.

“Matagal na po akong nililigawan ng Viva. Every time we would bump into each other, ‘O, kailan ka pipirma sa amin?’ So, ako naman, tawa-tawa lang.

“But when we did Maid in Malacañang, I think it really sealed the deal because ang pinakamaganda with Viva is all my projects with Viva had been very successful from our first production—Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa Ngayon (1995).

“Lahat ng pelikula na ginawa ko sa Viva puro naging successful. I think it just come with timing and, for me, this is the right time,” pahayag pa ni Ruffa.

Samantala, isang podcast ang magiging fist project ni Ruffa sa Viva bilang contract artist nito.