• Home
  • Fresh Scoops
  • May magandang dahilan si Jessy Mendiola kung bakit niya pinaiba ang setting ng kanyang engagement ring.

Jessy Mendiola, ipinaliwang kung bakit pinabago ang ‘setting’ ng kanyang engagement ring

May magandang dahilan si Jessy Mendiola kung bakit niya pinaiba ang setting ng kanyang engagement ring.

Jessy Mendiola, ipinaliwang kung bakit pinabago ang ‘setting’ ng kanyang engagement ring-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

08/16/2022 03:03 PM
Jessy Mendiola, ipinaliwang kung bakit pinabago ang ‘setting’ ng kanyang engagement ring
Photo credit to @senorita_jessy Instagram

Piniling ipabago ng aktres na si Jessy Mendiola ang setting ng kanyang engagement ring. 

Ang ibig sabihin ng ring setting ay ang paglalagay ng gemstone sa metal band ng singsing. 

Sa isang Instagram post, ipinaliwanag ni Jessy na may kaugnayan sa kanyang pagiging ina ang desisyong nag-udyok sa kanya sa pagpapabago nito. 


Aniya, pumunta siya sa isang jewelry studio para gawing mas “child friendly” ang setting nito. 

READ: Jessy Mendiola announces her pregnancy

Ayon pa kay Jessy, mas panatag siya ngayon dahil hindi na niya kailangan masyado mag-alala sakaling mahawakan ito ng kanyang magiging anak. 

READ: Jessy Mendiola flaunts baby bump

“Now, I won’t have to worry about it getting caught or scratching my little one when he/she becomes a toddler. For now… back to the safe!” ani Jessy sa caption ng kanyang post. 

Nitong nakaraang linggo lamang, inanunsyo ni Jessy na buntis siya sa unang anak nila ni Luis Manzano. 

Pebrero ng 2021 nang ikasal sina Jessy at Luis. 

READ: Manila Diamond Studio’s statement on Jessy Mendiola’s engagement ring

Samantala, matatandaang naging laman ng kaliwa’t-kanang balita ang disenyo ng singsing ni Jessy dahil sa isyu nito sa isang jewelry brand.