• Home
  • Fresh Scoops
  • Tila hindi sigurado si Janine Gutierrez kung paano sasagutin ang tanong tungkol sa napapabalitang relasyon nila ng kanyang leading man na si Paulo Avelino.

Janine Gutierrez, nag-react sa tanong tungkol sa relasyon nila ni Paulo Avelino

Tila hindi sigurado si Janine Gutierrez kung paano sasagutin ang tanong tungkol sa napapabalitang relasyon nila ng kanyang leading man na si Paulo Avelino.

Janine Gutierrez, nag-react sa tanong tungkol sa relasyon nila ni Paulo Avelino-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/16/2022 02:52 PM
Janine Gutierrez, nag-react sa tanong tungkol sa relasyon nila ni Paulo Avelino
Screenshot from Search With Me: Janine Gutierrez on iWantTFC YouTube Channel

Tila hindi sigurado si Janine Gutierrez kung paano sasagutin ang tanong tungkol sa napapabalitang relasyon nila ng kanyang leading man na si Paulo Avelino.

Sa video na inilabas ng iWantTFC na pinamagatang Search With Me, isa-isang sinagot ng aktres ang mga tanong ng netizen tungkol sa kanya, kabilang na ang tanong kung single ba siya at kung sila na nga ba ni Paulo.

"Well I'm not married. So doon sa mga form, 'yun pa rin ang isasagot natin," ani Janine sa kanyang status.


Sa tanong naman kung nagde-date sila ni Paulo, simple at maikli lang din ang naging reaksyon ng aktres.

"Parang puro relationship questions talaga ‘yung mahalaga dito sa Pilipinas, ano?" sabi niya.

"Um, ayun na nga," natatawang sagot lang ni Janine.

Matatandaang nagsimula ang pagiging malapit nina Janine at Paulo sa primetime series na Marry Me, Marry You na pinagmulan ng bali-balitang magkarelasyon sila.

Nito lamang taon ay muling nagtambal ang dalawa sa pelikulang Ngayon Kaya. Sa presscon ng nasabing pelikula, hindi rin nakaiwas si Paulo sa tanong ng marami kung sila na nga ba ni Janine. 

"Kung gugustuhin po ni Janine, eh 'di okay lang sa akin. Ikaw, gusto mo ba?" sabi lang ni Paulo.

Natatawang sagot naman ng aktres: "Pwede naman."

READ: Paulo Avelino reveals the real score between him and Janine Gutierrez: ‘Happy ako’

Bago na-link kay Paulo ay nakarelasyon ni Janine ang aktor na si Rayver Cruz. Tumagal ng apat na taon ang kanilang relasyon bago sila naghiwalay noong Oktubre.