• Home
  • Fresh Scoops
  • After giving birth, hindi nag deny si Janella Salvador na sumagi sa isip niya ang takot na baka hindi na makabalik sa showbiz

Valentina, perfect comeback role para kay Janella Salvador

After giving birth, hindi nag deny si Janella Salvador na sumagi sa isip niya ang takot na baka hindi na makabalik sa showbiz

Valentina, perfect comeback role para kay Janella Salvador-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/15/2022 06:30 PM
Valentina, perfect comeback role para kay Janella Salvador

All eyes ngayon ang netizens and Kapamilya viewers sa nalalapit na paglipad ni Darna na gagampanan ni Jane De Leon.

Pero bukod kay Jane, isa rin sa inaabangan ngayon ang pagbibigay buhay ni Janella Salvador sa iconic kontrabida ni Darna na si Valentina.

Kuwento ni Janella, challenging and complicated ang role ni Valentina na isa sa mga rason ng kaniyang paghahanda para dito.


“Pinaghandaan ko talaga siya. It’s one of the most challenging roles I’ve ever had to portray, kasi nga napaka complicated niya,” tugon ni Janella sa panayam.

Bukod sa paghahanda, aminado si Janella na nagkaroon siya ng pangamba na tanggapin ang role na ipinagkatiwala sa kaniya ng ABS-CBN Entertainment para bigyang buhay ang role ni Valentina na markado sa maraming Darna fans.

Read: Netizens share excitement for Janella Salvador’s role as Valentina in ‘Darna’

“Noong una actually, I was a bit scare kasi nga kakapanganak ko pa lang, ang tagal ko nang di umaarte, pero pinaghanadaan ko talaga siya and I gave my 100 percent,” ani ng Kapamilya star.

Pag-amin ni Janella, perfect rin ang timing ng role ni Valentina para sa kaniyang comeback after ng short break sa showbiz para isilang ang kaniyang anak na si Baby Jude.

 

 

“Siguro after giving birth rin, I was, been hoping and praying na sabi ko ‘Ano kaya ang magiging comeback and big break. And ito nga biglang nag-rise ang opportunity na ‘to, so, I took it.”

While on break, hindi itinanggi ni Janella na isa sa pumasok sa isip niya noon ay kung makakabalik pa nga ba siya sa show business.

 

 

“Well the people around me were obviously afraid for me, and maraming nag-plant ng ganun sa utak ko na, ‘baka di kana maka-balik. Nanay ka na’,” ani Janella.

Pero sa tulong ng kaniyang tiwala sa sarili at mga taong naniniwala sa kanjyang talento, hindi nag alinlangan si Janella na gampanan ang iconic kontrabida ni Darna.

 

 

“Ako kasi, firm believer ako na you can do whatever you want to do, even if you’re a mom. It doesn’t matter naman. Kaya mo pa rin naman gawin as long as, gugustuhin mo so I was determined talaga,” pahayag ng aktres.

Kasama si Janella Salvador sa mapapanood sa paglipad ni Darna this August 15 handog ng ABS-CBN Entertainment.