• Home
  • Fresh Scoops
  • Bibida sina JM de Guzman at Alessandra de Rossi sa pelikulang “What If...” na ididirek ni Mano Palo.

JM de Guzman at Alessandra de Rossi, magsasama sa pelikula

Bibida sina JM de Guzman at Alessandra de Rossi sa pelikulang “What If...” na ididirek ni Mano Palo.

JM de Guzman at Alessandra de Rossi, magsasama sa pelikula-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/15/2022 11:05 AM
JM de Guzman at Alessandra de Rossi, magsasama sa pelikula
Photo credit to @1migueldeguzman Instagram

Magtatambal sa unang pagkakataon sina JM de Guzman at Alessandra de Rossi para sa isang pelikula.

Kinumpirma ito ng aktres sa kanyang post sa Instagram kung saan ipinasilip nito ang script para sa kanilang proyekto.

"Wala na! Na-post na! Walang atrasan!" ani Alessandra sa caption. 


Base sa kanyang post, bibida ang dalawa sa pelikulang What If... na ididirek ni Mano Palo. Kilala si Mano bilang director ng serye na The General's Daughter at iWant original na Love Lockdown. Isinulat ito ni Mike G. Rivera, na siya ring bumuo ng konsepto sa tulong ni Alessandra.

Samantala, kinumpirma rin ni JM ang nasabing proyekto nang mag-post siya ng retrato sa Instagram kasama sina Alessandra at Mano.

Huling napanood si JM sa ABS-CBN teleserye na Init Sa Magdamag noong nakaraang taon. Bumida rin siya sa pelikulang Love Lockdown na inilabas noong 2020. 

Samantala, napanood naman si Alessandra sa pelikulang My Amanda kasama si Piolo Pascual. Inilabas ito sa Netflix noong Hulyo 2021 at agad na nag-trending. 

READ: Alessandra de Rossi makes her directorial debut in ‘My Amanda’: ‘Tatlong beses ako na-ospital’

Sa ngayon ay walang pang ibinibigay na ibang detalye tungkol sa What If..., kabilang na ang iba pang cast members at magiging storyline nito.