• Home
  • Fresh Scoops
  • All in ang efforts ni Jane De Leon para patunayan ang kaniyang sarili sa iconic Pinay superhero na si Darna.

Jane De Leon, sinagot ang tanong ng netizen: Sino nga ba ang sumigaw ng Darna?

All in ang efforts ni Jane De Leon para patunayan ang kaniyang sarili sa iconic Pinay superhero na si Darna.

Jane De Leon, sinagot ang tanong ng netizen: Sino nga ba ang sumigaw ng Darna?-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/15/2022 06:22 PM
Jane De Leon, sinagot ang tanong ng netizen: Sino nga ba ang sumigaw ng Darna?
Photo Credit: @imjanedeleon on Instagram

Bukod sa pisikal na paghahanda para sa role ng iconic Pinay superhero na gagampanan ni Jane De Leon bilang si Darna, isa rin sa palaisipan ngayon ay kung sino nga ba ang sumigaw ng Darna na TV series na mapapanood ngayong August 15.

Matatandaan na ilang Kapamilya singers ang naging maugong noon at napupusuan rin ng netizens para sumigaw sa ikinakasang proyekto ng ABS-CBN Entertainment. 

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)

 

Kabilang dito ang powerbelter na sina Jona, Angeline Quinto at songbird Regine Velasquez.

Pero paglilinaw ni Jane na gaganap sa Darna: “Ako po ‘yung sumigaw non”.

Pabirong tugon rin ng Kapamilya star at Darna herself, bukod sa maaksyong role na kaniyang gagampanan, isa sa pinaglaanan niya ng panahon ang paghahanda sa boses para isigaw ang “Darna”. 

“Pinagpraktisan ko po yun sa bahay pati sa banyo,” pabirong sambit ni Jane.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)

 

Ayon sa Kapamilya star, matagal na proseso rin at matinding vocalization process ang kaniyang ginawa para maibigay ang saktong lakas at timbre na kaniyang isisigaw bilang si Darna.

“Matagal rin. Kasi ang kasama ko riyan ang kapatid ko. Sabi ko ‘kuya ayos lang ba ang sigaw ko tapos sinasabi niya sa akin kung maganda, kung kailangan babaan tapos ayun nag recording na po ako,” ani Jane.

Ayon pa sa Kapamilya star, special request ng production ng Darna na siya mismo ang sumigaw para dito na pinuri naman ni Regine Velasquez.

“Gusto po talaga nila na ako ang sumigaw kaya sabi ko po kay Ate Reg kanina (on Magandang Buhay guesting) na pressure rin (ako) kasi from ate Regine Velasquez, this time ikaw na. Buti na lang nagawa ko siya from how many times ko siya inaral.”

Matatandaan na minsan ng ginamit ang boses ni Regine Velasquez sa Darna ng gampanan ni Angel Locsin at Marian Rivera ang role ng iconic Pinay superhero.

Read: Regine Velasquez willing sumigaw ng ‘Darna’ para kay Liza Soberano

Simula ngayong August 15, magsisimula na ang Darna na handog ng ABS-CBN Entertainment sa pangunguna ni Jane De Leon.