• Home
  • Fresh Scoops
  • Si Jane De Leon ang gaganap sa iconic pinay superhero na si Darna na mapapanood ngayong August 15.

Jane De Leon, pressured nga ba sa iniwang time slot ng ‘Ang Probinsyano’?

Si Jane De Leon ang gaganap sa iconic pinay superhero na si Darna na mapapanood ngayong August 15.

Jane De Leon, pressured nga ba sa iniwang time slot ng ‘Ang Probinsyano’?-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/15/2022 02:50 PM
Jane De Leon, pressured nga ba sa iniwang time slot ng ‘Ang Probinsyano’?

Parating na si Darna! 

All set na ang buong cast ng inaabangang “Darna” na pagbibidahan ng Kapamilya star na si Jane De Leon.


Gaya ng marami na naghintay kay Darna, handa na rin si Jane na ipakita sa fans ang kanilang pinaghirapan sa iconic na Mars Ravelo comic hero character na kaniyang gagampanan.

“Kinakabahan po ako, kasi normal naman po na makabahan and excited rin ako na ipakita sa ating mga kababayan kung ano ang pinaghirapan namin” bungad ni Jane sa panayam. 

Ayon pa sa kay Jane na first time bibida sa isang proyekto, next level na preparations ang kaniyang ginawa para sa iconic role na ipinagkatiwala sa kanya ng ABS-CBN.

READ: Netizens rave about ‘Darna: The TV series’ poster

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)

 

“Siyempre hindi lang naman po dapat physical eh. Dapat mentally, emotionally ready ka rin po. Ginaguide naman po kami ni Darvin, siya po ang stunt director namin from Australia and hangga’t maaari, binabantayan rin po bila ang kalusugan namin” 

Bukod sa personal na paghahanda ni Jane, isa rin sa inihanda ni Jane sa sarili ang kaakibat na pressure sa timeslot na iniwan ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na nagtagal ng pitong taon sa ere.

“Nakakapressure naman po (talaga) kasi kahit sino naman pong artista na nagkakaroon ng show and gusto pong mapalitan ang (time) slot and hindi ko rin naman po ine-xpect na ako po ang papalit doon and hindi ko rin po alam ang reaksyon ngayon ni Coco, but I’m so grateful and happy, bibigay po namin ang best namin,” aniya.

At bilang minsan rin naging bahagi ng Ang Probinsyano, looking forward aniya si Jane na makausap muli si Coco na isa sa mga nagtiwala sa kaniyang talento bilang isang artista.

“Hindi pa,” sambit ni Jane sa tanong kung nagkita na ba sila muli ni Coco Martin.”Pero excited ako na mag-usap kami ni Coco” 

Sa huli isa lang sinugurado ni Jane sa mga dapat abangan ng mga nasasabik kay Darna.

“Marami po, actually marami silang aabangan sa costume kay Ding, and sa story ni Narda and ni Darna” 

Simula ngayong August 15, magsisimula na ang paglipad sa ere ni Darna sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN Entertainment.

Ginawa ang proyektong ito sa direksyon nina Benedict Mique at Chito Roño.