• Home
  • Fresh Scoops
  • Dumipensa si Jane De Leon sa mga nagsasabing ‘wala siyang dating’ para sa role ni Darna.

Jane De Leon, ‘dumaan sa proseso’ para maging Darna

Dumipensa si Jane De Leon sa mga nagsasabing ‘wala siyang dating’ para sa role ni Darna.

Jane De Leon, ‘dumaan sa proseso’ para maging Darna-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/15/2022 03:03 PM
Jane De Leon, ‘dumaan sa proseso’ para maging Darna
Photo credit to @imjanedeleon Instagram

Sa nalalapit na paglipad ni Darna ngayong August 15, isa isang sinagot ng Kapamilya star na si Jane De Leon ang mga batikos na ibinabato sa kanya.

Kamakailan lang ay naging item si Jane sa iba’t-ibang pahayagan kung saan sinabihan itong hindi umano siya bagay at hindi nararapat para sa kanya ang role bilang si Darna.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)


“Una po talaga, sobra pong apektado po talaga ako, non nag-uumpisa ako sa Darna kasi hindi ko alam kung paano iha-handle kasi siyempre from baguhang artista, sino ba ako,” tugon ni Jane.

Sa tulong ng kaniyang pamilya at mga taong nag tiwala sa kaniya, nanatiling positibo si Jane at naging determinado pa para paghusayan ang trabaho na ipinagkatiwala sa kaniya ng ABS-CBN.

“May mga question rin ako sa sarili ko e’, but slowly with my family and friends na sinusuportahan po nila ako, may mga taong nagtitiwala po sa akin (kaya) pinu-push ko po ang sarili ko.”

WATCH: Jane de Leon | Push Evolution

Aniya aware siya sa mga batikos na nakapalibot sa kaniya kaakibat ng responsibilidad niya bilang bida sa serye tungkol iconic Pinay superhero.

“I believed naman na may point ang ating mga bashers na wala raw akong dating or what and saan daw ba ako galing, ‘yun po talaga ang una ang saan daw ba ako galing and hindi ko rin po alam kung bakit daw po ba ako napili basta ako binigay ko lang po ang best ko and nag-auditon po ako,” ani Kapamilya star.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)

“Dumaan po ako don (Audition) sa proseso and pinaghirapan ko rin ito” mariing sambit ng Kapamilya star.

Naging mahaba man ang proseso ng Darna at maraming negatibong bagay na ibinato sa kaniya. Kaya para kay Jane, answered prayer ito sa kaniyang mga panalangin.

“Sa akin po talaga na just remain humble, ginagawa ko talaga to kasi I love my craft and nagpapasalamat ako kay Lord na talagaang kahit paano nasagot na po ang pinaghirapan ng buong pamilya at sana magtuloy-tuloy na and I know ito pa lang po ang umpisa ng kinabukasan ko,” pahayag ng Kapamilya star.

Simula ngayong August 15, magsisimula na ang Darna na handog ng ABS-CBN Entertainment sa pangunguna ni Jane De Leon.