Lolit Solis, nakaranas ng depresyon: ‘Sana mauna na lang ako at magsama na kami ni Jokjok’

Tanggap na umano ni Lolit Solis ang kanyang kondisyon.

Lolit Solis, nakaranas ng depresyon: ‘Sana mauna na lang ako at magsama na kami ni Jokjok’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/14/2022 10:46 AM
Lolit Solis, nakaranas ng depresyon: ‘Sana mauna na lang ako at magsama na kami ni Jokjok’
Photo credit: @akosilolitsolis Instagram

Aminado ang talent manager host at veteran showbiz columnist na nakaramdam siya ng depression simula nung nalaman niyang meron siyang health problem na nauwi para regular siyang magpa-dialysis.

Sa kanyang post sa Instagram ay iniisip pa rin daw niya na wala siyang sakit at okay ang kanyang kalagayan kahit na sinabihan na siya ng doctor na meron siyang sakit.


“Alam mo ba Salve na hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na may sakit ako. Nagpi-pretend nga ako na parang wala lang, pero kung minsan nadi-depress ako,” pagtatapat ni Manay Lolit.

“Hindi ko na magawa ang usual na ginagawa ko, naiba na rin ang sked ko dahil sa dialysis. Isang araw dialysis, isang araw pahinga, twice a week na dialysis, plus dalawang araw pahinga, 4 days na agad nawala sa akin. Iba na talaga takbo ng buhay ko, iba na,” dagdag pa niya.  

Inamin din niya na dahil sa kanyang edad kaya mas madali na niyang nararamdaman ang panghihina ng kanyang katawan. Dito rin niya sinabi na kung nung simula ay nasa denial stage pa siya, ngayon daw ay tanggap na niya ang kanyang kalagayan.

BASAHIN: Manager ni Paolo Contis na si Lolit Solis, kinumpirma ang paghihiwalay ng aktor at ni LJ Reyes

Lahad ng talent manager: “Minsan tanggap ko, minsan parang naiinis ako, minsan nasa sad ako. Iyon bang sana noon mas bata ako nagkasakit, sana noon mas matibay pa katawan ko. Hindi ngayon na old na ako kaya parang madali ng manghina.”

“I feel sad sometimes, pero tanggap ko rin na wala na akong magagawa, so ok na lang. Que sera sera na lang ang puwede kong maging reaction, ito ang binigay sa akin, so, tanggapin ko na lang,” ani pa niya.

“Sana nga huwag na ako ma-depress, mag enjoy na lang ako sa mga pangyayari, dahil talagang ganuon ang buhay,” pagpapatuloy niya.

Nag-iwan na rin si Manay Lolit ng habilin just in case dumating ang panahon na papanaw na siya.

“Sinabi ko na pag nauna ako kay Jokjok ang favorite dog ko, pa-sleep na siya at isama sa akin sa cremation ko. Dahil old dog na siya, sana mauna na lang ako at magsama na kami ni Jokjok,” aniya.

“Hay naku, mga drama ko talaga, Salve at Gorgy, kaloka di ba!” sabi pa niya.

Si Manay Lolit ay 75 years old na.

“Medyo tanggap ko na ang aking medical condition kaya ok na iyon sked ng dialysis at kung ano pa ang gusto nila gawin sa akin. Tanggap ko na wala na ang super powers ko, na ngayon nasa mga doktors na ang buhay ko,” aniya.

BASAHIN: Lolit Solis, may patutsada sa partner ni Angeline Quinto sa planong pasukin ang showbiz: ‘Feeling pogi at yummy’

“Salamat talaga sa pag aalaga sa akin, sa mga nagtiyaga para maayos ang lagay ko. Thank you sa lahat ng nagpakita ng pagmamahal, talagang forever grateful ako. I will never ever forget your help and love. Lalagpasan ko ito, magiging healthy ulit ako, at tulad ng dati, back to being naughty, hah hah hah 75 and more, thank you Lord,” positibong pahayag ng veteran columnist.

Kung ikaw o sino mang kakilala ay nakararanas ng emotional crisis at nangangailangan ng kausap, tumawag lang sa Hopeline PH at 0917 558 4673 (Globe), 2919 ( Globe/TM toll-free) 0918 873 4673 ( Smart), 8804 4673 (PLDT).