• Home
  • Fresh Scoops
  • Naging action star na rin si AJ Raval gaya ng kanyang ama na si Jeric.

AJ Raval, nag-enjoy maging action star sa pelikula tungkol sa gang war

Naging action star na rin si AJ Raval gaya ng kanyang ama na si Jeric.

AJ Raval, nag-enjoy maging action star sa pelikula tungkol sa gang war-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/14/2022 10:31 AM
AJ Raval, nag-enjoy maging action star sa pelikula tungkol sa gang war
Photo credit: @ajravsss Instagram

Sumabak na sa action scenes sa Vivamax movie na Sitio Diablo ang sexy star na si AJ Raval.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)

Ayon sa dalaga, bata pa lang siya ay gusto na talaga niyang maging action star gaya ng amang si Jeric Raval na kilala ring action star noon.


“Okay po ako sa mga action scenes na ginawa ko dito. Tsaka gusto ko po talagang i-push na maging ation star,” pahayag niya.

Balisong ang gamit ni AJ sa pakikipagrambulan sa pelikula na istorya ng mga labanan ng iba’t-ibang hiphop gang sa kalye.

Ani AJ, walang binigay na advice sa kanya ang ama kung paano maging magaling na action star.

BASAHIN: AJ Raval, pinabulaanan ang isyung buntis siya

“Bata pa lang po kasi ako tinuturuan na po akong mag-aksyon, eh. Tiinuturuan niya akong sumipa nang mataas. Siya din po ang unang beses na nagpahawak sa akin ng baril, yung mga ganung bagay. Tinuturuan po niya ako nang tamang pag-handle ng baril, ng mga knife,” kuwento ni AJ.

Dugtong pa niya: “Actually, dream ko po talaga ang mag-action. Nag-i-start pa lang po ako sa showbiz, dream ko na so happy naman po ako na nakagawa kami ng ganitong klase ng pelikula.”

Ang Sitio Diablo ba ang dahilan kaya tinanggihan niyang gawin ang Scorpio Nights 3? O hindi niya lang talaga kakayanin ang ginawang paghuhubad ni Christine Bermas?

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)

Tugon niya: “Maganda na rin po na  napunta kay Christine ‘yon, na ipinalit sa akin si Christine Bermas. Happy naman po ako na sa kanya napunta ‘yung project.

“Siguro po, para sa akin tapos na rin po ako siguro sa phase nung nag-i-start pa lang ako, nagse-sexy. Siguro time na rin naman po para magbigay po sa ibang tao.”

Bukod sa mga action scenes, naging challenge kay AJ ang love scenes nila ng first time screen partner niyang si Kiko Estrada.

BASAHIN: AJ Raval, nilinaw na walang kinalaman sa isyu ng kapatid na si Vanessa

“’Yung love scene po namin ni Kiko kasi umabot po kami sa point na napaso po ako ng sigarilyo. Nagkaroon po ako ng mga pasa sa katawan kasi first time po yata ni Kiko na makipag-love scene nang ganoon,” sabi ng sexy star.

Ang Sitio Diablo ay kinunan sa Baseco at Smokey Mountain sa Tondo.

Ayon sa direktor ng pelikula na si Roman Perez Jr. naging mahirap ang shooting ng pelikula dahil sa kagustuhan ng mga tao na makita nang personal si AJ.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)

Kuwento niya: “Nagkagulo ang buong Baseco at saka Smokey Mountain. Guguho talaga yung Smokey Mountain kapag nakita nila si AJ. Sobrang hirap. Mga dalawang libong tao ang humarap sa amin. Hindi namin mga kilala. Mga batang hubo’t-hubad, mga basurero, mga mangangalakal.”