• Home
  • Fresh Scoops
  • Aminado si Marco Gumabao na madalas siyang tanungin tungkol sa takbo ng career nila ni Daniel Padilla.

Marco Gumabao walang inggit kay Daniel Padilla

Aminado si Marco Gumabao na madalas siyang tanungin tungkol sa takbo ng career nila ni Daniel Padilla.

Marco Gumabao walang inggit kay Daniel Padilla-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/13/2022 11:08 AM
Marco Gumabao walang inggit kay Daniel Padilla
Photo credit: @gumabaomarco and @supremo_dp Instagram

Hindi pinalampas ni Marco Gumabao ang pagkakataon na muling makasama si Direk Jason Paul Laxamana at ang kaibigang si Kylie Verzosa sa isang pelikula tungkol sa mga tinatawag na “sugar babies.” Masyado ring na-curious ang hunky actor sa istorya ng pelikula kaya nag-yes kaagad siya sa project na may title na Baby Boy, Baby Girl.

Sina Marco at Kylie bale ang mga “sugar babies” sa pelikula na puntirya ang mayayamang DOM at matrona o mas kilala sa tawag na “sugar daddy” at “sugar mommy” na nakikilala nila sa online.

“Pagkabasa ko ng script, magka-text kami ni Kylie that time, nagulat ako na ganoon ang tema ng pelikula. Nakakatuwa kasi as we all know, sa mundo ngayon, maraming mga ganyan. It’s a real situation which is happening in our world right now.


“So, nung binabasa namin, nakakatawa. At the same time, nakaka-excite kasi we can also put ourselves in the shoes ng sugar babies. Kung paano tumatakbo ang mundo nila at kung paano sila nakikipagtransaksyon sa mga sugar daddies o sugar mommies nila. Nu’ng nabasa ko, very excited at very shocked, sa totoo lang,” kuwento ni Marco about the Viva project.

BASAHIN: Marco Gumabao pakakasalan ang susunod na magiging girlfriend

Si Direk Jason Paul ay huling nakasama ni Marco sa pelikulang Just A Stranger na pinagbidahan din ni Anne Curtis. Nagsimula namang makatrabaho ni Marco si Kylie sa Kapamilyaseries na Los Bastardos at sa mga pelikula ng Viva, the last of which ay ang My Husband, My Lover.

Parehong single ngayon sina Marco at Kylie kaya naman tinukso sila ng ilang members ng press na baka this time habang ginagawa nila ang Baby Boy, Baby Girl ay magkadebelopan na sila. Pero ngiti lang ang naging reaksyon niya dito.

“This is like our fifth project [together]. I think out of those five projects, more than half ay mag-ex din ang role namin. Kumbaga, hindi pa nagiging kami, mag-ex na agad kami. So, pinangunahan na namin yung projects namin,” sabay tawa niya.

“But kidding aside, kami ni Kylie, we formed a friendship nung nanalo pa lang siya na Miss International. I mean, sobrang close namin ni Kylie, and career siyempre muna. Importante, career muna.

“Si Kylie, very hot ngayon, so I’m sure career lang talaga ang focus niya sa buhay,” sabi ni Marco na halatang ayaw ding i-entertain ang thought na magkakaroon sila ng relasyon ng ating beauty queen.

BASAHIN: Daniel Padilla, Joshua Garcia, and Zanjoe Marudo enjoy playing golf together

Samantala, natanong din si Marco kung masaya ba siya sa takbo ng kanyang career ngayon kahit pa very obvious na naunahan siya ng kaiibigang si Daniel Padilla. Hindi ba sya naiinggit dito?

Tugon ng aktor, “I’ve been in the industry since 2012, and of course, marami na akong nakasabay, mga ka-batch and as you all know, barkada ko si Daniel.

“I always get this question, lagi ko pong nakukuha yung question na ‘to ever since before na parang, ‘Oh, naiinggit ka ba sa mga kasabayan mo? Naiinggit ka ba kay Daniel?’ ganyan-ganyan. For me, hindi po siya inggit, eh.

“It’s more of proud ka sa kaibigan mo dahil ang layo ng narating niya and at the same time, ginagamit mo ‘yun bilang inspirasyon or motivation. Para kapag dumating yung oras mo, puwede mong sabihin na parang,  ‘Oh, hintayin mo ‘ko riyan, papunta rin ako kung nasaan ka.’

“Kasi kung titingnan mo siya in a way na nagseselos ka or naiinggit ka, ikaw yung talo, eh, di ba? Talo tayo lahat kapag tayo nainggit. So, let’s always look at things na kumbaga, yon ang source of motivation or source of inspiration kasi kaya naman talaga nandiyan sila kung nasaan sila ngayon, to serve as inspiration to other people na nagsisimula pa lang.

“Kung maiinggit lahat ng tao sa kanila, walang mangyayari sa industriya natin. Kumbaga, lahat tayo, maghihilaan pababa,” paliwanag pa ng hunk actor.

Kasalukuyang nasa lock-in shoot sa Pampanga sina Marco at Kylie para sa Baby Boy, Baby Girl.