• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipinagluluksa ngayon ni Chito Miranda ang pagpanaw ng kanyang ama na si Alfonso Miranda.

Ama ni Chito Miranda, pumanaw na

Ipinagluluksa ngayon ni Chito Miranda ang pagpanaw ng kanyang ama na si Alfonso Miranda.

Ama ni Chito Miranda, pumanaw na-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/12/2022 10:59 AM
Ama ni Chito Miranda, pumanaw na
Photo credit to @chitomirandajr Instagram

Ipinagluluksa ngayon ni Chito Miranda ang pagpanaw ng kanyang ama na si Alfonso Miranda.

Kinumpirma ito ni Chito, na bokalista ng bandang Parokya Ni Edgar at Idol Philippines judge, sa kanyang post sa Instagram nitong Biyernes, Agosto 12.

"Bye, Dad!!! Love you!!!" ani Chito sa kanyang caption.


"To all our family and friends, we decided to keep everything simple and intimate. Immediate family lang talaga. Hope you guys understand," sabi pa niya.

Sa pagpanaw ng kanyang ama ay dasal lang umano ang hiling ng mang-aawit mula sa kanyang mga kaibigan.

Samantala, agad namang nagpaabot ng kanilang pakikiramay ang mga tagahanga at kasamahan ni Chito sa showbiz.

"Love you Chito I am so sorry to hear about this. I pray that God embraces you and keeps you close to His heart. My deepest condolences Chito," ani Gary Valenciano, na kapwa hurado niya sa Idol Philippines.

"Condolence Chits," sabi naman ni Kaye Abad, na dating nobya ni Chito.

Hindi sinabi ni Chito kung ano ang ikinamatay ng kanyang yumaong ama. Ngunit ayon sa post, pumanaw ito sa edad na 77.