• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi ni Sylvia Sanchez ang pagiging malapit ni Maine Mendoza sa asawa nitong si Arturo Atayde.

Maine Mendoza, close sa ama ng fiancé na si Arjo Atayde

Ibinahagi ni Sylvia Sanchez ang pagiging malapit ni Maine Mendoza sa asawa nitong si Arturo Atayde.

Maine Mendoza, close sa ama ng fiancé na si Arjo Atayde-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/11/2022 02:25 PM
Maine Mendoza, close sa ama ng fiancé na si Arjo Atayde
Photo credit to @sylviasanchez_a Instagram

Ibinahagi ni Sylvia Sanchez ang pagiging malapit ni Maine Mendoza sa asawa nitong si Arturo Atayde.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang beteranang aktres ng mga retrato kung saan kitang nagkukulitan sina Maine at ang kanyang mister.

Sa kanyang caption, sinabi ni Sylvia: "Sila po ang laging nagbu-bully-han 'pag nagkikita kita. Nakahanap sila ng katapat sa isa't isa. Hahaha."

"Ang saya saya sa tuwing nagbu-bully-han sila," patuloy ng aktres. "Walang humpay na tawanan. Sarap nilang panoorin, tatawa ka na lang nang tatawa. #PositiveVibes kumbaga. Love you both!"

Magiging parte na ng kanilang pamilya si Maine matapos na ma-engage ng aktres sa kanilang panganay na si Arjo Atayde.

Matatandaang Hulyo 29 nang ginulat nina Arjo at Maine ang kanilang fans sa balitang engaged na sila. Naganap ang nasabing engagement tatlong taon matapos isapubliko ng dalawa ang kanilang relasyon. 

READ: Arjo Atayde and Maine Mendoza are now engaged

Matapos tanggapin ni Maine ang proposal ng kanyang anak, isang mensahe ang ibinahagi ni Sylvia para sa kanyang magiging manugang sa Instagram.

"Finally!! Welcome to the family, Maine," ani Sylvia.

"Thank you for loving my son. Love you, ‘Nak. I promise that I will take care and love you as my own daughter," sabi pa niya.