• Home
  • Fresh Scoops
  • Pinuri din nina John Prats at Michael de Mesa si Coco Martin bilang artista at direktor.

John Prats at Michael de Mesa hindi makapaniwalang tapos na ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Pinuri din nina John Prats at Michael de Mesa si Coco Martin bilang artista at direktor.

John Prats at Michael de Mesa hindi makapaniwalang tapos na ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/11/2022 11:47 AM
John Prats at Michael de Mesa hindi makapaniwalang tapos na ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano’
Photo credit to @mdemesa24 Instagram

Huling dalawang gabi na lang ng longest action serye sa bansa na FPJ’s Ang Probinsyano (finale na kasi nito sa August 12, 2022) pero hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang dalawa sa cast ng Probinsyano na sina John Prats at Michael de Mesa na magtatapos na ang Kapamilya series.

Umabot hanggang dulo ang kanilang mga karakter na labis nilang ipinagpapasalamat sa director at bida ng series na si Coco Martin.

Ayon kina Michael at John sa isang video ng Dreamscape Entertainment, ang producer ng serye na namayagpag ng pitong taon sa ere, ay isang privilege at once-in-a-lifetime experience ang maging bahagi ng programa.


BASAHIN: ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ begins countdown to finale

“I don’t think magiging part pa ako ng ganitong klaseng show ulit. These types of shows, ito yung mga once-in-a-lifetime na opportunity.

“Nung kinontak ako rito, dapat three days. Yung three days ko naging six years,” ani Michael na nakilala sa kanyang karakter bilang si Manager.

Lahad naman ni John, “Sobrang privilege kasi pagpasok ko sa Ang Probinsytano, grabe pala yung purpose, grabe yung calling ng bawat artista, staff, crew, directors.

“Pumasok ako sa Ang Probinsyano, wala pa akong anak, tapos ngayon tatlo na ang anak ko. Dumating din yung calling na magdirek ako sa Ang Probinsyano.”

Gumaganap si John bilang isa sa miyembro ng Task Force Agila na an pangalan ay Jerome.

Mataas din ang paghanga ng dalawang aktor kay Coco bilang aktor at director ng Probinsyano.

“If I were to describe him in one word — brilliant. Ngayon ko lang na-experience ang isang taong ganyan… arista, direktor, creative. That’s why we are still here seven years,” papuri ni Michael sa Teleserye King.

BASAHIN: FPJ’s Ang Probinsyano now PH’s longest-running drama

Dagdag naman dito ni John, “Yung passion niya rito grabe hindi matatawaran. Siguro yon din yung na-inject niya sa mga kasamahan din namin na kung paano mahalin itong Ang Probinsyano.”

“Everything that ends is not really a goodbye but a pause,” pahabol pang sabi ni Michael.

Ang Darna na pinagbibidahan ni Jane de Leon ang papalit sa timeslot ng Probinsyano sa  August 15.