• Home
  • Fresh Scoops
  • Bago ang kanyang pagpanaw, inalala ni Cherie Gil ang isa sa kanyang paboritong roles sa isang teleserye.

Cherie Gil tinawag na ‘great memories’ ang maging bahagi ng ‘Dolce Amore’ series

Bago ang kanyang pagpanaw, inalala ni Cherie Gil ang isa sa kanyang paboritong roles sa isang teleserye.

Cherie Gil tinawag na ‘great memories’ ang maging bahagi ng ‘Dolce Amore’ series-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/10/2022 10:05 AM
Cherie Gil tinawag na ‘great memories’ ang maging bahagi ng ‘Dolce Amore’ series

Sa isang Facebook post noon bago pa pumanaw ang veteran actresss na si Cherie Gil ay inalala niya ang mga panahong ginagawa niya ang ABS-CBN series na Dolce Amore na pinaagbibidahan nina Liza Soberano, Matteo Guidicelli, at Enrique Gil.

Ginawa niya ang pagbabalik-tanaw habang nanonood siya sa iWant TV.

“Revisiting DOLCE AMORE. One of my favorite roles on a teleserye.


“Great memories,  great trips to Italy, great bonds of friendships and amazing performances by all and  not to mention great story telling,” pagre-recall ng pumanaw na aktres.

Sa naturang post ay nasabi rin ni Cherie na nami-miss na niya ang pag-arte.

“Ahhh … these are times when I miss acting,” aniya.

BASAHIN: Cherie Gil, nag-iwan ng mga importanteng aral at paalala sa mga baguhang artista

Pinasalamatan din niya ang ABS-CBN at ang mga executive ng network pati ang mga director na nakatrabaho niya noon sa Dolce Amore.

“Thank you Star Creatives and ABS-CBN for continuously being there with good material no matter.

“Of course, I can’t thank INANG , Olive Lamasan  and Ms. Malou Santos enough for a gift of a role.

“To our amazing directors @cathygarcia and Mae Cruz Alviar ! Bravo!

“Sending love to the cast and to both my ‘anaks’. Good times,” lahad pa ng award-winning actress.

Si Cherie ay gumanap bilang Luciana Marchesa, ina ni Liza Soberano na ang name ng character ay Serena Marchesa sa Dolce Amore na ipinalabas noong 2016. Tumagal ang serye ng tatlong season kung saan maraming eksena ang kinunan pa sa Italy.

BASAHIN: Liza Soberano mourns death of ‘mama’ Cherie Gil

Samantala, sa Instagram post ni Liza ay nagpasalamat siya sa yumaong  “ina” at labis na nagluluksa sa pagpanaw nito.