• Home
  • Fresh Scoops
  • Correct and walang mali sa naging announcement ni Catriona Gray and Nicole Cordovez sa winners ng naganap na Binibining Pilipinas coronation night.

Catriona Gray, Nicole Cordovez release statement amid speculations on ‘Binibining Pilipinas’ results

Correct and walang mali sa naging announcement ni Catriona Gray and Nicole Cordovez sa winners ng naganap na Binibining Pilipinas coronation night.

Catriona Gray, Nicole Cordovez release statement amid speculations on ‘Binibining Pilipinas’ results-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/01/2022 11:29 PM
Catriona Gray, Nicole Cordovez release statement amid speculations on ‘Binibining Pilipinas’ results
Photo credits: @binibiningnicolecordoves on Instagram

Sa pamamagitan ng isang official statement, nilinaw ng Binibining Pilipinas hosts na sina Catriona Gray and Nicole Cordovez na walang mali sa result na kanilang inanunsyo sa 2022 coronation night ng Binibining Pilipinas.

READ: Meet the 2022 Binibining Pilipinas Queens

Kasunod ito ng maraming speculations ng pageant fans at live audience ng coronation night ng Binibining Pilipinas nitong July 31 sa Araneta Coliseum kung saan nagkaroon ng delays sa announcement ng winner para sa Binibining Pilipinas International winner.


“As the hosts of last night's Binibining Pilipinas 2022, we announced the winners accordingly based on the titles printed on the cards as these werehanded over by SGV & Co. partner and representative, Mr. Ocho,” bahagi ng statement na inilabas ni Catriona Gray at Nicole Cordovez sa pamamagitan ng isang social media post.

Sa bahagi rin ng statement, inihayag ni Catriona and Nicole na dumaan sa rechecking ng official tabulator ng SGV & Co ang paglabas ng result na kanilang binasa on stage.

“As a member of the overseeing committee during the deliberations, Mr. Ocho later rechecked the cards and confirmed that the results previously announced were correct, which became the decisive factor in moving forward with the announcement.”

And as former candidates, mahalaga rin aniya para kina Catriona and Nicole na maging patas at malinaw ang lahat ng results ng pageants.

“As former candidates ourselves, we understand what the girls go through and would, therefor without a second thought-correct any errors, if any were made. But as already explained, SGV & Co. partner and representative Mr. Ocho himself confirmed the validity of the results.”

Sa huli, umaaasa si Catriona Gray and Nicole Cordovez na patuloy na suportahan ang mga kandidatang nanalo sa Binibining Pilipinas at sa magiging laban nila sa international pageant arena.