All praises ang maraming pageants fans sa naging successful coronation night ng 58th edition ng Binibining Pilipinas nitong Linggo, ika-31 ng Hulyo.
From 40 lovely candidates, stand out ang apat na Pinay beauty na kinoronahan para maging pambato ng Pilipinas sa iba’t ibang pageant na nasa ilalim ng Binibining Pilipinas Charities Incorporated.
READ: KILALANIN: Top favorite sa Binibining Pilipinas 2022
Una na si Roberta Angela Tamondong ng San Pablo City sa Laguna na nasungkit ang korona bilang Binibining Pilipinas Grand International.
Si Grabrielle Basiano ng Borongan City, Eastern Samar naman ang nagwagi bilang Binibining Pilipinas Intercontinental.
Ang kanidadata naman ng Tacloban City na si Chelsea Fernandez ang kinoronahan bilang Binibining Pilipinas Globe.
At ang Cebuana beauty na si Nicole Yance Borromeo naman ang nakasungkit ng Binibining Pilipinas International.
Bukod sa apat na title queens, agaw pansin rin ang kandidata mula Laguna na si Stacey Daniella Gabriel ng Cainta, Rizal at Herlene Nicole Budol ng Angono, Rizal na itinanghal as first and second runners up.
Samantala, 7 special awards naman ang nakuha ng comedienne and social media influencer na si Herlene Nicole Budol na kandidata mula sa Angono, Rizal. Ito ang Manila Bulletin Readers’ Choice Award, Bb. Pizza Hut, Bb. Shein, Bb. Kumu, Jag Queen, Bb. Silka, and Bb. World Balance.
Best in National Costume - Graciella Lehmann Oriental Mindoro.
https://www.instagram.com/tv/
Bb. Talent - Ma. Isabela David ng Mexico, Pampanga
The Face of Binibini - Yllana Marie Aduana ng Laguna
Bb. Friendship - Eiffel Janell Rosalita ng Catanduanes.
Bb. Philippine Airlines - Roberta Tamondong ng San Pablo Laguna
Bb. Moist Diane Shampoo - Karen Laurrie Mendoza ng Iloilo City
Bb. Ever Bilena - Chelsea Fernandez ng Tacloban City
Best in Swimsuit and Best In Evening Gown ang nakuha ni - Gabrielle Basiano ng Borongan, Eastern Samar.