• Home
  • Fresh Scoops
  • Well-loved si Herlene Budol ng maraming pageant fans na hinakot rin ang puso ng bawat Pilipino.

Herlene Budol, hakot awards sa Binibining Pilipinas 2022

Well-loved si Herlene Budol ng maraming pageant fans na hinakot rin ang puso ng bawat Pilipino.

Herlene Budol, hakot awards sa Binibining Pilipinas 2022-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/01/2022 03:30 PM
Herlene Budol, hakot awards sa Binibining Pilipinas 2022
Photo credit to @bbpilipinasofficial Instagram

Not one. Not two. But 7 special awards ang naiuwi ng comedienne and social media influencer na si Herlene Nicole Budol sa naganap na Binibining Pilipinas coronation night nitong Linggo, July 31 sa Smart Araneta Coliseum.

Isa si Herlene sa masasabing strong candidates na umagaw sa pansin ng major sponsors ng Binibing Pilipinas Charities Incorporated dahil sa kaniyang beautiful transformation and charming personality.

RELATED LINK: Samantha Bernardo, bet nga ba si Herlene Budol as next Miss Grand International PH?


Umpisa pa lang ng competition, buena mano na agad na nabigyan ng special award si Herlene as Manila Bulletin Readers’ Choice Awardee. 

Bukod sa Readers’ Choice award, agad itong nasundan sa second set ng awarding ng special awards.

 

Binibining Kumu Awards

Binibini World Balance 

Binibining Silka

Binibining Shein 

Binibining Pizza Hut

Jag Queen 

Bukod sa special awards, big winner rin si Herlene sa puso ng maraming Pilipino na hindi sumuko sa kanilang pangarap.

Sa Question and Answer portion, ipinamalas ng kandidata ng Angono, Rizal ang kanyang kurot sa sagot sa tanong ni Cecilio Asuncion, founder and model director of Slay Model Management sa Los Angeles, California na nag translate rin ng kaniyang tanong sa wikang Filipino.

“A beauty pageant is a space for transformation. What has been your biggest character transformation since you joined and how can this make you deserving of a crown tonight?”

READ: Herlene Budol on becoming a beauty pageant contestant: ‘Masaya na may halong kabado ang Hipon Girl nyo!’

Agad nasagot ni Herlene ang tanong sa Question and Answer sa wikang Filipino. 

“Para sa 'kin, isang karangalan na naka-tungtong ako dio sa Binibining Pilipinas bilang isang binibining hindi inaasahan. Para sa 'kin, ang sarap palang mangarap. Walang imposible. Isa po akong komedyante na laki sa hirap at ang aking transpormasyon ay ang magbigay ng inspirasyon because I know for myself that I am uniquely beautiful with a mission,” sagot ni Herlene.  

Hindi man nabigyan ng pagkakataon na makalaban sa International pageant arena, wagi naman si Herlene sa puso ng kaniyang mga kaibigan na si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz na nakapanayam ng PUSH bago magsimula ang coronation night sa Araneta Coliseum.

READ: Herlene Budol on what she learned after joining Binibining Pilipinas: ‘Napaka priceless ang feeling!’

“Siyempre since Day 1, support namin siya. Unang una, kami-kami lang rin naman ang magkakampi dito kaya kami-kami lang rin ang magsusuportahan,” saad ni Madam Inutz.

“Para rin kay Sir Wilbert na tingan mo ‘yung effort ‘yung power lahat ni Sir Wilbert is talaga namang ibinuhos niya kay kapatid na Herlene. Andito rin ako para suportahan ang kapatid natin na si Herlene sa industriya,” dagdag pa niya.

Bukod kay Herlene, may proud moment rin ang Team Bahay na si Unkabogable Star Vice Ganda na isa sa mga nakatutok sa coronation night ng Binibining Pilipinas. 

Sa isang tweet, sinabi ng Kapamilya host na naluha siya sa naging performance ni Herlene.

“E ung naiiyak ako para kay Hipon! Waaaahhh! Love u Herlene!” sambit ni Vice Ganda sa kanyang tweet.

 

 

Sa huli, itinanghal na first runner up si Herlene na bitbit ang kaniyang unforgettable experience bilang isang Binibini Queen.