• Home
  • Fresh Scoops
  • Si AJ Raval ang dapat na gaganap sa sexy film na “Scorpio Nights 3” na ngayon ay pinagbibidahan na ni Christine Bermas.

Christine Bermas, kinausap si AJ Raval bago gawin ang ‘Scorpio Nights 3’

Si AJ Raval ang dapat na gaganap sa sexy film na “Scorpio Nights 3” na ngayon ay pinagbibidahan na ni Christine Bermas.

Christine Bermas, kinausap si AJ Raval bago gawin ang ‘Scorpio Nights 3’-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/01/2022 12:54 PM
Christine Bermas, kinausap si AJ Raval bago gawin ang ‘Scorpio Nights 3’
Photo credit to @ajravsss and @christinebermas_ Instagram

Ibinahagi ng sexy actress at bida ng pelikulang Scorpio Nights 3 na si Christine Bermas ang kwento kung paano niya pinasok ang mundo ng showbiz. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Pinay (@christinebermas_)

"Super simple ko lang kasi laking province ako, sa Palawan. So nag-aaral lang ako before and then naghe-help lang ako sa parents ko. 'Yun lang. Sobrang simple lang ng life ko," ani Christine sa bagong episode ng PUSH Bets Live.


"Then tina-try ko talagang humanap ng pwedeng raket, kasi bata pa lang ako gusto ko 'yung meron akong diskarte sa buhay. So lahat ginagawa ko. ... Tinry ko rin sumali sa mga pageants noon kahit I was 15 lang. And then sa city namin, meron isang pageant doon na naghahanap sila ng mga artista from different places. May mga pumupuntang producers, mga directors, isa sila sa judges. Eventually nasama ako doon sa Top 5 nila ... Doon ako na-discover."

Ayon kay Christine, hindi siya nagdalawang isip na pasukin ang pag-aartista kahit pa bilang isang sexy actress. 

"Hindi ko naman siya inisip na porket sexy... syempre 'di ba sa iba, iba na 'yung thoughts nila about that. Ako, ginawa ko lang siyang stepping stone kasi doon lang din naman talaga, ayun na 'yung first opportunity na binigay sa akin ng Viva so I accepted that," ani Christine.

"Tinanggap ko siya kasi it's work, and passion ko rin siya eh. So [itong Scorpio Nights 3] mabibigyan ko siya ng ibang performance and ibang Cristine [from] real-life. Nag-yes ako kasi ito na 'yung chance para mag-start sa showbiz."

At bilang bida ng Scorpio Nights 3, ang ikatlong installment sa klasikong obra ni Peque Gallaga, inamin ni Christine na nakaramdam siya ng matinding pressure sa pagsunod sa yapak ng sexy stars na sina Anna Marie Gutierrez at Joyce Jimenez.

"Itong Scorpio Nights 3, ito 'yung boldest film na nagawa ko. Ito 'yung pinaka-in-all out ko talaga lahat. And lahat ng scenes namin dito very challenging siya for me kasi bago siya sa akin eh. ... [Especially] 'yung mga love scenes kasi super wild. [Pero] kahit na mahirap, binigay ko lahat 'yung best ko for that film," ani Christine, na unang napanood sa mga pelikulang Siklo at Island of Desire.

"Iba 'yung pressure na na-feel ko dito sa Scorpio Nights. Though sa lahat ng movies na nagawa ko, syempre hindi talaga mawawala sa akin 'yung kaba," pag-amin niya. "Pero dito talaga sa Scorpio Nights, super na-pressure ako. Super kinabahan talaga ako. Kasi ang laking expectation for you ng ganitong movie. Kasi 'di ba before, nung 1989, ['yung original Scorpio Nights starring Anna Marie Gutierrez], nag-hit talaga and nag-mark talaga siya sa lahat ng tao."

"I think impossible na higitan namin 'yung Scorpio Nights kasi original film 'yun eh. Siguro 'yung nagawa lang namin is mas winide lang namin 'yung story and kinonekta lang namin itong Scorpio Nights 3 sa 1."

READ: Christine Bermas may frontal nudity sa ‘Scorpio Nights 3’; naiyak pagkatapos mapanood ang pelikula

Samantala, ibinahagi rin ni Christine ang naging pag-uusap nila ng kapwa sexy actress na si AJ Raval, na siyang dapat na gaganap na bida sa "Scorpio Nights 3."

"I had a chance to talk to AJ and natuwa naman ako kasi nag-congrats naman siya and in good terms [kami]," aniya.

"Parang mas lalo akong nalakasan ng loob kasi ayaw ko nung... syempre sa ibang tao, hindi naman mawawala na iisipin nila na second choice ka lang. ... [Pero] ang laking tulong po 'yun sa akin kasi in that way po, [AJ and I] support each other and we respect each other po."

Mapapanood sa VivaMax ang Scorpio Nights 3 kung saan kasama ni Christine sina Mark Anthony Fernandez at Gold Aceron. 

Panoorin ang kanyang panayam dito:

Ang PUSH Bets Live ay isang weekly online show na mapanood sa PUSH at ABS-CBN Facebook pages pati na sa push.com.ph.