• Home
  • Fresh Scoops
  • Beyond the Stars: Star Magic US Tour performer Zanjoe Marudo shares his advice to fellow artists joining the caravan this year.

Zanjoe Marudo shares his most memorable Star Magic U.S tour experience: ‘16 years ago yun’

Beyond the Stars: Star Magic US Tour performer Zanjoe Marudo shares his advice to fellow artists joining the caravan this year.

Zanjoe Marudo shares his most memorable Star Magic U.S tour experience: ‘16 years ago yun’-Rhea Manila Santos
BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

07/09/2022 11:03 AM
Zanjoe Marudo shares his most memorable Star Magic U.S tour experience: ‘16 years ago yun’
Photo credit to @onlyzanjoemarudo Instagram

As one of the more senior artists in the Beyond the Stars: Star Magic US Tour lineup this year, actor Zanjoe Marudo said it’s been a while since he performed onstage.

“Nakakatuwa na maging part pa rin ako ng tour nitong Star Magic kasi di ba nga ang tagal na ring wala. Excited ako na makita yung mga kapamilya natin diyan again at makapagpasalamat sa kanila. Nakaka-excite din kasi ang tagal ko ng hindi nakakatapak sa stage para mag-perform sa mga kapamilya natin dito sa ASAP tapos sa abroad.

“Nakakatuwa ito dahil ito yung trabaho na parang walang pressure na nararamdaman. Parang hindi ka na-pe-pressure, parang gustong gusto mo na pumunta, gusto mo na gawin, gusto mo na mag-perform para ma-meet yung mga tao, yung mga kababayan natin. Ewan ko, ganun yung pakiramdam ko pag ganitong event yung papasukin ko. Wala akong pressure na nararamdaman kasi excited ako na magpasalamat at makita yung ngiti at saya ng mga kapamilya natin abroad,” he said. 


READ: Zanjoe Marudo’s memorable TV series through the years

The 39-year-old actor looked back on his first time to go on tour abroad when he was just starting out in acting at ABS-CBN.

“Siguro yung first time na napasama ako sa Star Magic tour. Siyempre bago pa lang ako nung time na yun. Kasama ko pa yung mga friends ko yung Coverboys tapos first time ko rin sa States. Sobrang tagal na. 16 years ago yun. Ayun na-meet ko yung family ko na nasa America for the first time kaya nakakatuwa. Hindi naman mangyayari yun nung time na yun kung hindi dahil sa trabahong ito, sa tour na ginawa namin. So nakakatuwa. Yun para sa akin yung pinaka memorable,” he recalled. 

READ: Zanjoe Marudo on possibility of falling in love with two women: ‘Hindi mo mapipigilan’

For his younger co-performers on the tour which include Belle Mariano, Donny Pangilinan, Andrea Brillantes, Gigi De Lana, among others, Zanjoe shared some advice.

“Hindi ito katulad ng mga ginagawa naming shows dito sa Pilipinas. Siyempre andiyan yung excitement pero kailangan ready kayo kasi hindi siya madali. Nakakapagod siya physically kasi kanya kanya tayong dala ng mga gamit natin, wala tayong mga PAs na kasama. Pero okay yun kasi magtutulungan naman tayo at hindi naman tayo kumbaga mag-iiwanan sa show na ‘to. Kaya tayong magkakasama dito para mag-bonding, yung pagiging magkapatid natin sa Star Magic.

“Ang pinaka importante siguro mag-enjoy talaga, have fun tapos enjoyin natin yung lugar. Yung mga kapamilya natin dun sa States, importante na madami nila kung gaano tayo ka-thankful na sinusuportahan nila tayo hanggang ngayon,” he explained.

After starring in the popular series The Broken Marriage Vow, Zanjoe is set to star in his next teleserye Dirty Linen with new leading lady Janine Gutierrez. Zanjoe admitted that no matter the role, the legacy he wants to leave in the industry is how he worked hard to reach his status as a respected actor.

“Siguro sa every character na gagawin ko, bad, good, or kung ano man yan, sana makapag-inspire. Sana makaiwan ako ng lesson sa lahat ng mga characters na gagawin ko. Sana kung hanggang saan man ako abutin dito sa industriyang ito, sana ang maalala nila yung isang simpleng taga probinsya na umabot ng pangarap at naabot niya sa pamamagitan ng pakikisama, ng pakikinig at willing matuto,” he added. 

READ: Zanjoe Marudo celebrates 15th anniversary in showbiz: ‘Mahal na mahal ko yung ginagawa ko’

Catch Zanjoe at the Beyond the Stars: Star Magic US Tour along with other Star Magic artists.

August 6 - The King’s Theatre, Brooklyn, New York City

August 12 - The Warfield, San Francisco

August 14 - Saban Theater, Beverly Hills, Los Angeles