• Home
  • Fresh Scoops
  • Cloe Barreto sa pagsampal ni Jaclyn Jose sa kanya: ‘Hindi lahat ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon.’

Cloe Barreto flattered na nasampal ni Jaclyn Jose sa pelikula

Cloe Barreto sa pagsampal ni Jaclyn Jose sa kanya: ‘Hindi lahat ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon.’

Cloe Barreto flattered na nasampal ni Jaclyn Jose sa pelikula-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/09/2022 05:22 PM
Cloe Barreto flattered na nasampal ni Jaclyn Jose sa pelikula
Photo Credit: @cloebarreto on IG

Masaya ang naging reaksyon ng sexy star na si Cloe Barreto na nasampal siya ng award-winning actress na si Jaclyn Jose sa isang eksena sa psycho thriller movie na Tahan written by Quinn Carrillo and directed by Bobby Bonifacio Jr. 

“Natuwa po ako kasi nasampal po ako ni Ms. Jaclyn. Hahaha! Flattered po ako. Pag-uwi ko po hanggang bahay, ninanamnam ko pa rin yung sampal. Hinahawakan ko yung mukha ko. 

“Kasi, sa totoo lang po, hindi lahat ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon kaya sobrang memorable po sa akin yung nangyari,” kinikilig na kuwento ng sexy star sa digital mediacon ng Tahan. 


Read: Cloe Barreto, excited na makatrabaho sina Jaclyn Jose at JC Santos sa bagong pelikula

Noon pa man ay very vocal na si Cloe sa kanyang admiration sa Cannes Film Festival best actress kaya nakaramdam siya ng matinding kaba at hiya nung makaharap na ang aktres. 

Aniya, “Sobrang idol ko po si Ms. Jaclyn. Yung unang kita po namin sobrang nahihiya po ako na kinakabahan kasi first time ko po siyang maka-work tapos idol ko pa po. Nu’ng nag-usap po kami sa makeup area, sabi ko po, ‘Nahihiya po kasi ako sa inyo kasi idol ko po kayo.’ Sabi niya, ‘Hindi, wag ka mahiya.’ Tapos ang dami niya na pong tinuro sa akin. 

“Nu’ng una pong eksena namin, kinakabahan ako kasi na-starstruck po ako. Sobrang idol ko po talaga siya, as in. Nung nag-usap na po kami, tinuruan niya po ako para hindi daw ako mahiya,” kuwento ng sexy star. 

Ayon pa kay Cloe, hindi rin niya malilimutan  kung paano siya kinomfort ni Jaclyn para mawala  mawala ang kanyang kaba kapag may eksena silang dalawa. 

“Hinawakan niya yung kamay ko. Tapos hinalikan niya po yong noo ko para daw po ma-kampante ako kasi kinakabahan po talaga ako,” lahad pa ni Cloe. 

Read:Jaclyn Jose: ‘Huwag nating gawing puhunan ang ating mga anak sa kabuhayan’

Ibinahagi rin ni Cloe kung ano ang magandang lesson na ipinayo sa kanya ni Jaclyn para mas maging madali ang mga ginagawa niyang sex scenes. 

“She told me na sa bed scenes, umpisa pa lang, gawin mo na nang maayos kasi kung hindi, ipapaulit lang sa ’yo. So I learned na dapat, ibigay mo na agad ang hinihingi ng director para take one lang lagi ang sex scenes. 

“I also learned from Ms. Jaclyn the importance of being more open to your co-stars. This helps for you to have a good exchange ng ideas para mas mapaganda ang mga eksena ninyo,” lahad ng sexy star. 

“First time ko ring gumawa ng psycho-thriller. Ako dito si Elise, isang escort girl na ibinubugaw ng sarili niyang ina (Jaclyn). Tapos isa-isang namamatay ang mga lalaking nakaka-sex ko, with my mom as the killer,” pagbabahagi din niya about her role sa pelikula. 

Samantala, maliban kay Jaclyn, kasama rin ni Cloe ang versatile actor na si JC Santos sa pelikulang Tahan na mapapanood simula July 22 sa Vivamax.