• Home
  • Fresh Scoops
  • Para kay Jaclyn Jose, hindi problema ng anak ang naging problema ng magulang.

Jaclyn Jose: ‘Huwag nating gawing puhunan ang ating mga anak sa kabuhayan’

Para kay Jaclyn Jose, hindi problema ng anak ang naging problema ng magulang.

Jaclyn Jose: ‘Huwag nating gawing puhunan ang ating mga anak sa kabuhayan’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/08/2022 11:36 AM
Jaclyn Jose: ‘Huwag nating gawing puhunan ang ating mga anak sa kabuhayan’

Sa digital mediacon para sa drama-thriller movie ng Vivamax na Tahan ay nagpaalala ang Cannes Film Festival best actress na si Jaclyn Jose sa mga magulang na huwag gamitin ang kanilang mga anak na puhunan para magkaroon maginhawang buhay.

Nasabi ito ni Jaclyn dahil ang istorya ng Tahan ay tungkol sa isang ina na ipinasok ang sariling anak sa prostitusyon para kumita ng pera. Si Jaclyn ang ina sa pelikula at si Cloe Barreto naman ng gumaganap na anak.

“Huwag nating gawing puhunan ang ating mga anak sa kabuhayan, sa kinabukasan. Hindi nila problema ang naging problema ng magulang,” paalala ni Jaclyn.


BASAHIN: Jaclyn Jose, may pakiusap sa mga baguhang artistang makakatrabaho niya

Dugtong niya, “It is the responsibility of the mother or the parents to take care of their children, not the other way around, kasi bata pa ang mga yan. Dapat yan inaaruga mo pa. Inaalagaan mo pa at tinutulungan.”

Aware ang award-winning na maraming ganitong pangyayari sa Pilipinas lalo na sa entertainment world.

“I’m sorry to say this, pero hindi lang sa Pilipinas, sa buong mundo, ginagawang puhunan ang ating mga anak para sa ating magandang buhay—pageant, kung anu-anong reality show whatever, ipino-post yung mga bata. Younger age ito ha?

“So, parang prostitution na rin yon, di ba? That is so sad. Siguro sa kahirapan ng buhay. Pero sana, through this movie, mabigyan natin ng lesson yung mga nanay na ito ang mangyayari sa anak mo kapag nagpatuloy ka na gawin yan.

“Higit sa lahat, hindi sila ang kailangang maging puhunan o itulak sa kapahamakan para ka umangat,” mariin niyang pahayag.

BASAHIN: Andi Eigenmann pays tribute to mom Jaclyn Jose on her birthday

Base sa title ng pelikula na streaming sa Vivamax on July 22, kelan ba huling nagpatahan at umiyak si Jaclyn?

Tugon niya, “Kapag nanay ka, hindi ka tumatahan. You cannot stop a mother to cry. Longing, missing my children. Missing Andi and my son. Kapag nanay ka, hindi ka tatahan. You just have to control and keep loving.

“Yon ang nagpapaiyak sa akin, ang mga anak ko. Anak ang laging iniiyakan ko. Yung kanilang well-being, yung kanilang safety.

“Kahit malayo sila, may narinig ka, nasugatan ang apo, iiyakan mo yan. May sakit ang anak, nasa malayong lugar, iiyakan mo yan. It will always be a love of a mother to her children. Yan ang palaging iniiyakan ng isang nanay.

“Si Andi, nasa Siargao. And my son is studying in the U.S. So, yan ang palaging, once in a while, umaatake sa 'yo. But sa trabaho, extended family ko ang co-workers ko, sa taping o sa movie. I always treat them as my family.

“So, yun naman ang nakakapag-divert ng lahat-lahat. So, happy rin, everything is well,” lahad ni Jaclyn