• Home
  • Fresh Scoops
  • Laurice Guillen, enjoy makipagtrabaho sa mas batang co-stars.

Laurice Guillen may plano ulit magdirek ng pelikula; balik-acting na rin

Laurice Guillen, enjoy makipagtrabaho sa mas batang co-stars.

Laurice Guillen may plano ulit magdirek ng pelikula; balik-acting na rin-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/07/2022 01:38 PM
Laurice Guillen may plano ulit magdirek ng pelikula; balik-acting na rin
Photo credit to @lauriceguillen Instagram

Hindi na nagdidirek ng pelikula si Laurice Guillen. Ilan sa mga very memorable films na idinirek niya noon ang Star Cinema movie na Tanging Yaman, (2000), I Love You Goodbye (2009), Sa 'Yo Lamang (2010), among others.

May balak pa ba siya ulit magdirek ng pelikula?

Tugon ni Laurice, “Of course… of course. I want to direct a movie again. Kaya lang, sa business na ito alam mo naman hindi masasabi kung kailan. Pag dumating yon, eh, di good, yung pagkakataon lang talaga.”


Nakausap ng PUSH si Direk Laurice sa presscon ng pelikulang Pamilya sa Dilim para sa announcement ng magiging cast ng pelikula na mula sa direksyon ni Jay Altarejos.

READ: Dante Rivero at Laurice Guillen, gagawaran ng Lifetime Achievement Awards ng PMPC

Bakit nga ba hindi na ulit siya nagdirek ng mga pelikula?

“Kasi nung nag-start akong magdirek ng TV, this was mga 2015, nagkataon lang na may kontrata ako kaya naging sunud-sunod. Tapos hindi katulad ng dati na kaliwa’t kanan ang mga offer, kasi at that time namamayagpag talaga ang pelikula, di ba?” tugon ng direktor.

Ayon pa sa kanya, marami ng mga batang direktor ngayon at nag-iba na rin ang proseso bago makagawa ng pelikula.

Katwiran niya, “Ngayon, ikaw na talaga ang mag-i-initialte, ikaw na ang magpi-pitch ng mga project. So parang, siyempre sa pagpi-pitch mauunahan ka na ng mga bagets.

“Sometimes nag-iisip pa ako, I’m putting a project together para sa movie pero nauunahan ako ng offer sa TV, so siyempre grasya rin yon at nagagawa mo rin naman unti-unti kung ano yung nagagawa mo sa pelikula.

“Ang gusto ko talaga noon ay pag-aartista. Pero sa haba ng panahon mas kumonti na talaga ang offer na maganda so hindi na ako naghintay, nagdirek na rin ako.”

Sa Pamilya sa Dilim ay balik-acting si Laurice. Makakasama niya dito sina Allen Dizon, Sunshine Cruz, Ina Feleo, Rico Barrerra, Therese Malvar, at marami pang iba na pawing di hamak na mas bata ang edad aa kanya.

“Sa simula, siyempre parang lilipat ka na naman from television directing to film acting. Ganun naman talaga, mahal ko rin naman yung trabahong yon. I'm excited. I look forward working on this project, working with the actors.

“Kailangang matuto akong magsalita dito ng four languages. Yung role ko challenge sa akin as an actress kung paano ko yon gagampanan kasi di ko pa nagagawa iyon,” lahad niya.

Dugtong pa ng director, “I enjoy working with young people kasi I feel younger—I learn, tsaka nakukuha ko yung energy nila. Totoo yan. Sinisipsip ko ang energy nila. Hahaha!”