• Home
  • Fresh Scoops
  • Patok ngayon sa TikTok ang pag-awit ni Aleck Bovick ng ‘Nota.’

Pag-awit ni Aleck Bovick ng ‘Nota’ sa TikTok, patok sa netizens; request ng ilan, maglabas ng 10-minute version

Patok ngayon sa TikTok ang pag-awit ni Aleck Bovick ng ‘Nota.’

Pag-awit ni Aleck Bovick ng ‘Nota’ sa TikTok, patok sa netizens; request ng ilan, maglabas ng 10-minute version-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

07/06/2022 09:15 PM
Pag-awit ni Aleck Bovick ng ‘Nota’ sa TikTok, patok sa netizens; request ng ilan, maglabas ng 10-minute version
Photo credits: @aleckbovick on TikTok

Muling inawit ni Aleck Bovick ang sikat niyang kanta na “Nota.”

Sa isang TikTok video na inupload niya nitong nakaraang linggo, makikitang kinakanta ni Aleck ang "Nota."

Bagama’t early 2000s pa ng ilabas ang nasabing kanta, bigla itong naging patok sa mga kabataan matapos mag-viral ang music video nito noong taong 2019. 


Panoorin ang video sa ibaba: 

@aleckbovick Ulit Ulit try natin baka di na pag tripan ni TikTok haha #foryourpage #fypシ #fyp ♬ Gusto Ko Ang Nota - Aleck

Sa ngayon, nakakuha na ito ng mahigit 654,000 views.

Samantala, nakakuha naman ng samu’t-saring reaksiyon mula sa mga netizens ang kanyang TikTok video.

Biro ng ilang netizens, sana ay maglabas si Aleck ng 10-minute version ng nasabing kanta gaya ng ginawa nina Taylor Swift at Moira Dela Torre sa mga sikat nilang kanta.

"Nota aling mirna 2022 version . We need 10mins version mhie,” ani ng netizen na si Ychan Laurenz.

“Petition to have a 10-min version!” saad naman ni Yam Cempron.

Sa isang PUSH Bets Live interview noon, sinabi niya na hindi siya makapaniwala sa muling pagsikat ng kanta niya.

READ: Aleck Bovick, muling kinanta ang hit song na ‘Nota’

"Kasi noon talagang nag-boom siya eh, mga year 2002 o 2003 hanggang sa nawala rin. Tapos [nag-boom] siya ulit, sabi ko 'Nakakaloka itong kanta.' Tapos ang dami kong nakikitang comments na bakit ngayon lang daw sumikat ’yun,” ani Aleck.

Pag-amin pa ni Aleck noon, pinag-iisipan niya kung gagawa siya ng bagong music video na may bagong twist sa kanyang kanta.

"Ang galing ng timing no? Babalik at babalik din pala yung mga nagawa mo before, so parang umiikot lang. Ngayon hindi ko alam ang gagawin ko, gagawa ba ako ng sarili kong video na yun pa rin pero ibang style na,” aniya.

Sa parehong panayam, nagbigay din ng isang p-sample si Aleck sa sikat niyang kanta.