• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinabi ng isang netizen na approachable umano si Nadine Lustre.

Nadine Lustre, sumakay sa isang tricycle; hirit ng isang netizen, sana lahat ng celebrity gaya niya

Sinabi ng isang netizen na approachable umano si Nadine Lustre.

Nadine Lustre, sumakay sa isang tricycle; hirit ng isang netizen, sana lahat ng celebrity gaya niya-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

07/06/2022 07:09 PM
Nadine Lustre, sumakay sa isang tricycle; hirit ng isang netizen, sana lahat ng celebrity gaya niya
Photo credits: @@kaboodles05 on Twitter and @nadine on Instagram

Spotted ang aktres na si Nadine Lustre na sumakay sa isang tricycle sa isla ng Siargao. 

Ibinahagi ng netizen na si @kaboodles05 ang isang selfie kung saan makikitang kasama niya si Nadine.


“Quick kamustahan with president Nadine. #nadine gandaaa!” aniya. 

Dito, ibinahagi ni @kaboodles05 ang kanyang karanasan nang makasabay niya sa isang tricycle ride ang award-winning na aktres. 

Ani ng netizen, napatunayan niyang approachable umano ng aktres kaya naman hindi na siya nagkakataka kung bakit ganoon na lang ang suportang nakukuha ng aktres mula sa kanyang mga tagahanga. 

READ: Nadine Lustre explains why she moved to Siargao

“Sana lahat ng celebrity kasing approachable niya. Now I understand the fandom. Here's to President Nadine!” aniya. 

Bagama’t kita umano ang pagod sa mukha ng aktres, pumayag pa rin siya na magpa-picture sa kanila. 

“Medyo pagod ata sya but she still accommodated the pic. Maganda, mahinhin at approachable.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)

May ilan ding nagtanong kung kasama ni Nadine ang kanyang boyfriend na si Christophe Bariou ngunit ayon kay @kaboodles05, mag-isa lamang ito sumakay sa tricycle. 

Hindi na bago ang pamamalagi ni Nadine sa Siargao na itinuturing niyang kanyang pangalawang tahahan. 

READ: Nadine Lustre shares what she loves most about her relationship with Christophe Bariou

Naging aktibo din ito sa pagtulong sa mga komunidad sa Siargao nang masalanta ito ng bagyong Odette noong nakaraang taon. 

Samantala, ang boyfriend naman ni Nadine na si Christophe ang founder at managing director ng boutique resort sa Siargao na Maison Bukana.