• Home
  • Fresh Scoops
  • Matapos ang mahabang gamutan, nasa mabuti ng kalagayan ngayon ang anak ni Ka Tunying na si Zoey Taberna.

Anak ni Anthony Taberna na si Zoey, cancer-free na

Matapos ang mahabang gamutan, nasa mabuti ng kalagayan ngayon ang anak ni Ka Tunying na si Zoey Taberna.

Anak ni Anthony Taberna na si Zoey, cancer-free na-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/05/2022 07:16 PM
Anak ni Anthony Taberna na si Zoey, cancer-free na

Isang magandang balita ang ibinahagi ng news anchor na si Anthony Taberna o mas kilala bilang si “Ka Tunying” sa latest health condition ng kaniyang anak na si Zoey.

Sa pamamagitan ng Instagram post, ramdam ang kasiyahan ni Ka Tunying sa magandang balita na nasa maayos nang kalagayan ang kaniyang 13-year old anak na lumaban sa sakit na leukemia.

“Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng kasama namin sa pananalangin. Nakauwi na kami kasama si Zoey pagkalipas ang halos kalahating taon sa Singapore. Salamat higit sa lahat sa Panginoong Diyos,” caption ni Ka Tunying sa post kalakip ang video clip ng anak.


Matatandaan na taong 2019 ng madiskubre ng pamilya Taberna ang malaking pagsubok sa kalusugan ni Zoey.

Kasunod nito, agaran rin na sumailalim sa chemotherapy si Zoey na tinutukan ng mag-asawa habang lumalaban ito sa kanyang sakit.

READ: Anthony Taberna, hanga sa tapang ng anak na may leukemia

READ: Anthony and Rossel Taberna inspired by daughter Zoey’s strength

Sa naging Instagram post ng anak ni Ka Tunying, ibinahagi nito ang kaniyang pinagdaanan para tuluyang labanan ang kaniyang sakit.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by azasia (@zasiazoey)

Ayon kay Zoey, hindi naging madali ang kaniyang naging laban simula ng nalaman ang kaniyang sakit.

“Looking back now, even I thought I wouldn't be able to handle [it] but with the support of my loved ones and God, I was able to get over [it]. Literally every bad thing that happened to me was such a blur, I’m not going to lie, there were so many times that I thought that it was the end for me. That my life would end at 13 years old,” bahagi ng post nito.

Sa tuloy-tuloy na suporta mula sa kaniyang pamilya at matibay na panalangin, hindi aniya sumuko si Zoey sa kabila ng kaniyang laban.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by azasia (@zasiazoey)

“I kept on thinking about my friends, my family, my loved ones, my church duties. What will happen when I’m gone? Will people care? Will they be sad? But because I grew up active in church, I always prayed while holding on to my faith, and I felt so much stronger. when I try to remember some of the difficult episodes that happened to me, the only thought in my mind is ‘wow. nagawa ko pala 'yon’,” ani Zoey.

At ngayong cancer-free na, ipinaabot rin ni Zoey ang kaniyang pasasalamat sa mga nagdasal para sa kaniyang pag-galing.

“I am totally cancer free! I would still have check-ups and maintenance drug infusions from time to time, but that is nothing compared to what I’ve been through. I couldn't have done all of this without the help, support and love of everyone special to me and most of all, God. I never forget to thank Him every day for healing me and for giving me a chance to live a longer life. Thank you also to everyone who prayed and showed their support for me all throughout everything,” pahayag ni Zoey.

Sa ngayon, patuloy na nag papalakas si Zoey sa kanilang tahanan kasama ang kaniyang mga magulang at kapatid.