• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipinaliwanag ni Xian Gaza kay Ella Cruz ang pagkakaiba ng ‘history,’ ‘tsismis,’ at ‘historical revisionism.’

Xian Gaza, may open letter para kay Ella Cruz kasunod ng ‘history is like tsismis’ na pahayag ng aktres

Ipinaliwanag ni Xian Gaza kay Ella Cruz ang pagkakaiba ng ‘history,’ ‘tsismis,’ at ‘historical revisionism.’

Xian Gaza, may open letter para kay Ella Cruz kasunod ng ‘history is like tsismis’ na pahayag ng aktres-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

07/04/2022 10:56 PM
Xian Gaza, may open letter para kay Ella Cruz kasunod ng ‘history is like tsismis’ na pahayag ng aktres
Photo credits: Christian Albert Gaza on Facebook

Hindi napigilan ni Xian Gaza na maglabas ng open letter kaugnay sa pahayag ni Ella Cruz tungkol sa pagkumpara ng aktres sa kasaysayan at tsismis. 

Matatandaang sinabi ni Ella sa isang panayam na parehas lang ang kasaysayan at chismis na “filtered” at “biased.” 

“History is like tsismis. It is filtered and dagdag na rin, so, hindi natin alam what is the real history. Andoon na iyong idea, pero may mga bias talaga,” ani Ella sa panayam niya kay MJ Marfori ng TV5. 


READ: Ella Cruz on Xian Gaza: ‘Hanggang magkaibigan lang po kami’

“As long as we’re here, alive at may kanya-kanyang opinion, I respect everyone’s opinion,” dagdag pa niya. 

Kaya naman hindi napigilan ni Xian na maglabas ng open letter kay Ella kung saan ipinaliwanag nito ang pagkakaiba ng “history,” “tsismis,” at “historical revisionism.” 

“Dear Gabriela, First of all, I miss you. Pangalawa, I respect your opinion. As the ‘Pambansang Marites’ ng Pilipinas, let me educate you sa pagkakaiba ng HISTORY, TSISMIS at HISTORICAL REVISIONISM,” panimula ni Xian. 

Ngunit imbis na simpleng paliwanag lang ang gawin ni Xian, tinalakay niya ang mga bali-balita tungkol sa kanilang dalawa na unang lumabas limang taon na ang nakakalipas. 

“HISTORY — Si Xian Gaza ay business partner ni Ella Cruz, sila ay matalik na magkaibigan. Si Xian ay family friend ng kanyang pamilya. Si Xian ay nabaliw kay Ella, minahal niya ito ng sobra. Palagi silang magkasama from October to December 2016,” ani Xian. 

“Nilibre niya ito sa iba't-ibang restaurant for 3 months at binigyan ng kung anu-anong regalo including iPhone 7 na kulay pink. Nilibre niya din ito ng tandem skydive sa Bantayan Island, Cebu,” dagdag niya pa. 

Pinabulaanan niya din ang tsismis na mag-ex sila bagama’t inamin niyang na-in love siya rito. 

READ: Xian Gaza: ‘Hindi po ako isang stalker ni Ella Cruz’

“TSISMIS — Si Xian Gaza ay ex-boyfriend ni Ella Cruz,” aniya.

“HISTORICAL REVISIONISM — "Si Xian Gaza ay stalker ng anak ko! Iniscam niya ang buong pamilya namin! May pa-billboard billboard pang nalalaman eh scammer naman!" pagtatapos niya.

May ebidensya din si Xian bilang pagpapatunay na totoo ang “history” nilang dalawa at nagbahagi ng ilang litrato nila sa isang post. 

Taong 2017 nang ibunyag ng ina ni Ella na na-scam umano ni Xian ang pamilya nila.  

Nagsalita ang ina ni Ella tungkol sa umano’y pangsa-scam ni Xian matapos mag-viral ang billboard coffee invitation ng social media star noon sa Kapamilya star na si Erich Gonzales. 

“Wow para luminis name nya sa scammer issue niya, may pa billboard naman ngyon... may nauto nanaman sya guys para mag invest sa monkey business niya,” ani ng ina ni Ella. 

Saad pa ng ina ni Ella sa isang Facebook comment, scammer na maituturing si Xian. 

“Oo sis siya nga. Millionario ek ek daw. Pero scammer nman. Recently may issue din yan kc may na scam sya. Ngyon gumawa ng ganyan para matabunan issue nya at maka uto nnman ng investor. Sick!” ani ng ina ni Ella. 

Samantala, si Ella ay gaganap bilang Irene Marcos sa pelikulang Maid in Malacañang na isang drama-comedy film tungkol sa huling 72 hours ng pamilya Marcos sa Malacañang.