• Home
  • Fresh Scoops
  • Inaabangan na ngayon kung sino ang susunod na pambato ng Pilipinas sa iba’t ibang pageant arena.

KILALANIN: Top favorite sa Binibining Pilipinas 2022

Inaabangan na ngayon kung sino ang susunod na pambato ng Pilipinas sa iba’t ibang pageant arena.

KILALANIN: Top favorite sa Binibining Pilipinas 2022-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/31/2022 06:15 PM
KILALANIN: Top favorite sa Binibining Pilipinas 2022
Photo Credit: @eiffelforyouuu on Instagram

All eyes na ngayon ang Filipino pageant fans sa nalalapit na coronation night ng Binibining Pilipinas 2022.

Ito na ang 58th edition ng prestigious beauty pageant ng bansa kung saan makikilala ang pambato sa iba’t ibang pageants mula sa Miss Globe, Miss Intercontinental, Miss Grand International at Miss International nasa ilalim ng Binibining Pilipinas Charities Incorporated.

Ilan sa mga maugong na kandidata na pasok sa final verdict ng iba’t ibang pageant groups and website ay ang mga pambato ng, Iloilo, Tacloban, Borongan City sa Eastern Samar at San Pablo City Laguna.


Sa tally official tally ng Pageanthology 101, si Nicole Boromeo ang kanilang napili para maging pambato ng Pilipinas sa Miss International.

 

 

Ang pambato naman ng San Pablo City Laguna na si Roberta Tamondong ang napili ng independent pageant site ni Adam Genato para sa Miss Grand International.

 

 

Pasok naman si Karen Laurrie Mendoza sa top favorite ng Real Pageantry Philippines para maging candidate ng Pilipinas sa Miss Intercontinental.

 

 

Si Gabby Basiano naman ng Borongan City sa Eastern Samar ang Miss Globe para Sash Factor International.

 

 

Mainit rin sa fearless forecast ng Independent pageant website ni Norman Tinio ang mga kandidata mula sa Nueva Ecija, Bataan, Porac sa Pampanga, Zambales at Angono.

 

 

Ngayong July 31, gaganapin ang coronation night ng Binibining Pilipinas sa Smart Araneta Coliseum kung saan ipapasa sa bagong Filipina beauty queens ang korona para maging susunod ng pambato ng bansa sa iba’t ibang pageant arena.