• Home
  • Fresh Scoops
  • Aangat ang kaseksihan at kagandahan ng Pinay beauty queen sa mga swimsuit designed ni Justine Aliman.

Celebrity stylist Justine Aliman, swimsuit designer ng Binibining Pilipinas

Aangat ang kaseksihan at kagandahan ng Pinay beauty queen sa mga swimsuit designed ni Justine Aliman.

Celebrity stylist Justine Aliman, swimsuit designer ng Binibining Pilipinas-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/31/2022 07:05 PM
Celebrity stylist Justine Aliman, swimsuit designer ng Binibining Pilipinas
Photo Credit: @themissuniverseph on Instagram

Angat na angat ang nag-gagandahang 40 lovely beauty queen aspirants sa naging swimsuit creation ng celebrity stylist na si Justine Aliman.

Si Aliman ay kilalang fashion stylist ng mga sikat na celebrities at mas nakilala bilang personal stylist ng fourth Filipina Miss Universe na si 2018 Catriona Gray.

Sa exclusive interview ng PUSH sa kilalang celebrity stylist, ibinahagi niya na unexpected ang pagiging bahagi niya ng Binibining Pilipinas as one of the swimsuit designers para sa taong ito.


“Actually ‘yung collaboration between, Dia Ali (Justine Aliman swimsuit line) parang ano lang siya, in a span na hindi ko rin akalain na ako ‘yung mapipili rin nila. So nagbigay lang naman ako ng sketches ganun siguro. Isang advantage na nag-style rin po ado and I am happy na ako talaga ‘yung napili nila,” sambit ng fashion stylist sa panayam.

Baguhan man sa mundo ng swimsuit designing, tinanggap aniya ni Justine ang challenge sa requirements ng Binibining Pilipinas.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“In every event, 40 lahat. So total of including coronation night, total of 240,” pagbahahagi niya sa panayam. “Medyo challenge pero kaya natin ‘yan.”

 

 

As a designer, aminado si Justine na mahirap pumili sa 40 lovely candidates kung sino para sa kaniya ang magwawagi ng “Best In Swimsuit.”

“Actually lahat sila, in every girls na nagasuot, proud ako na nasuot nila ang Ali by Justine Aliman. So lahat sila stand-out for me,” aniya.

Sinigurado rin ni Justine na safe ang bawat cut ng kaniyang designed swimsuit sa magrabong rampahan ng Binibini candidates.

“When it comes to the cuts, sinigurado ko naman na lahat ng cut, bagay sa kanilang body type. As in friendly siya for all body types. So talagang maiiwasan natin ang may sumilip. And ‘yung team ko rin sinigurado na maaalagaan sila. Kasi ‘yung walks nila, magiging proud ka kung paano nila dadalahin ‘yung swimsuit,” aniya.

At sa darating na coronation night, bagong set of swimsuit aniya ang kaniyang ginawa na dapat abangan para sa Binibining Pilipinas candidates na sinigurado niyang aangat ang kanilang kaseksihan at kagandahan sa stage.

“May two-piece design kami noong nag-shoot kami for OBB video kami. Basta aabangan niyo siya, step by step tayo.”

Ngayong July 31, gaganapin ang coronation night ng Binibining Pilipinas sa Smart Araneta Coliseum kung saan ipapasa sa bagong Filipina beauty queens ang korona para maging susunod ng pambato ng bansa sa iba’t ibang pageant arena.