• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagkakagalit man minsan, di naman mawawala ang Beks Battalion.

Chad Kinis, MC Calaquian, at Lassy Marquez tinitiyak na hindi mabuwag ang Beks Battalion

Nagkakagalit man minsan, di naman mawawala ang Beks Battalion.

Chad Kinis, MC Calaquian, at Lassy Marquez tinitiyak na hindi mabuwag ang Beks Battalion-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/30/2022 01:39 PM
Chad Kinis, MC Calaquian, at Lassy Marquez tinitiyak na hindi mabuwag ang Beks Battalion

Sampung taon ng magkakaibigan sina Chad Kinis, MC Calaquian, at Lassy Marquez na kilala rin bilang Beks Battalion at katulad ng normal na magkakaibigan ay hindi naiiwasang nag-aaway at nagkakasamaan din sila ng loob. Pero ayon sa  tatlo, kahit gaano pa katindi ang naging away nila ay hindi raw ito naging mitsa para mabuwag ang kanilang grupo.

Sabi ni MC, “Walang dumating sa punto na maghihiwa-hiwalay pero nagkakagalit-galit kami kasi iba-iba ang utak namin, iba-iba ang moods namin. Hindi naman bawat gising namin, eh,  good mood kami. Nagkakagalit talaga kami.”

Ayon naman kay Chad, may batas silang sinusunod sa grupo na lagi nilang iniisip tuwing nag-aaway sila.


“Puwede kaming mag-away pero bawal maghiwalay. Nag-aaway kami, kung may pagtatalo kami, sasabihin lang namin o pahinga muna tayo,” diin ni Chad Kinis.

“Nagkagalit kami, binlock niya (MC) ako sa Facebook, sa Instagram, sa telepono, lahat, para hindi ko siya makontak.  Eh, siyempre, alam ko naman ang number niya, bumili ako ng ibang SIM card. Dun ko siya tinext, sabi ko, ‘Kuya, sorry na.’

“’Tapos ang pagkakamali niya, ako yung naiwan sa bahay ng Beks Battalion. Siya, sa condo. Eh, nandoon kaming lahat, so ang saya-saya namin. Siya mag-isa lang, so wala siyang nagawa kundi umuwi, pero sa pinto pa lang, nag-iyakan na kami.

“Laging ganun, parang once in a blue moon, meron talaga kaming tampuhan. Hindi maiiwasan yan kasi parang pamilya naman. Kami, kapag nag-usap kami, no holds barred. Hindi na kailangan ng sugar coating para malaman ang katotohanan,” kuwento pa ni Chad Kinis.

Nagbigay naman ng mensahe ng pasasalamat si Lassy sa tiwala at pagpapahalagang ibinibigay sa kanya nina MC at Chad.

BASAHIN: Lassy Marquez denies ‘selosan’ issue within Beks Battalion: ‘Masaya sila para sa akin’

Aniya, “Maraming salamat sa pagmamahal na hindi n’yo ipinagkait sa akin, sa tiwala na ibinigay n’yo sa akin, sa kakayanan ko, sa talento ko na kaya ko palang gawin ito, na hindi lang ako basta komedyante kundi bilang tao at bilang kaibigan. At hindi ko makakalimutan ito hanggang sa pagtanda ko. Maraming salamat.”

Sey naman ni MC, hindi raw talaga niya naiisip na mawawala ang kanilang grupo.

“Parang hindi ko maisip na mawawala yung Beks Battalion… Pero laging siyempre, pasasalamat, hindi mawawala yon. Parang yon lang ang puwede kong masabi sa Beks Battalion dahil ang Beks Battalion ang nagmulat sa mga stand-up comedians na mag-vlog din,” wika naman ni MC.

Hindi naman mapigilang maging emosyunal ni Chad kapag naiisip na kahit super solid ang kanilang samahan ay mabubuwag din ang Beks Battalion.

“Hindi ko maisip talaga na…” buntong-hininga niya. “Para sa akin, yon din ang masasabi ko, pasasalamat. Pero ako, naniniwala ako na kahit ilang bukas pa ang dumating hindi po mawawala ang Beks Battalion.

“Puwede po kami mawala pero… Naiyak ako!  Kasi yung pinakamasayang parte ng buhay ko kasi nu’ng nakasama ko sila at nabuo ang Beks Battalion,” teary-eyed niyang pahayag.

“Kami po, puwedeng mawala sa mundong ito pero sinisigurado po namin, gusto namin we want our legacy bilang Beks Battalion will not be lost forever,” paniniguro ng dating Miss Q and A grand finalist.

https://push.abs-cbn.com/2021/10/7/fresh-scoops/beks-battalion-shares-motivation-for-doing-comedy-196195

Samantala, magkakaroon ng first major concert ang Beks Battalion simply titled Beks 2 Beks 2 Beks na gaganapin sa New Frontier Theater sa  August 26 at  kabilang sa kanilang special guest ay si Vice Ganda.

“Pinaghandaan po talaga namin ito. Kahit naman noong pandemic, meron kaming mga hindi nailalabas  (na jokes) even though nagba-vlog kami araw-araw. As time goes by kasi, may naiisip kami na bago tapos ibabangko lang namin and at the right moment, ilalabas namin,”  lahad ni  Chad.

Panauhin din sa Beks 2 Beks 2 Beks concert sina Zeinab Harake, Jelai Andres, BUDAKHEL, Katrina Velarde, Buboy Villar, Ate Gay, Tonton, at Divine Tetay. Mabibili na ang tickets sa Ticketnet.com.