• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinabi ni Jamilla Obispo na naiintindihan umano ng kanyang 17 anyos na anak ang kanyang pagpapaseksi sa isang proyekto.

17 anyos na anak ni Jamilla Obispo, tanggap ang kanyang pagpapaseksi

Sinabi ni Jamilla Obispo na naiintindihan umano ng kanyang 17 anyos na anak ang kanyang pagpapaseksi sa isang proyekto.

17 anyos na anak ni Jamilla Obispo, tanggap ang kanyang pagpapaseksi-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/03/2022 11:10 PM
17 anyos na anak ni Jamilla Obispo, tanggap ang kanyang pagpapaseksi

Sinong mag-aakala na kahit 35 years old na ang former Pinoy Big Brother teen housemate na si Jamilla Obispo ay napapanatili pa rin niya ang kanyang kaseksihan? 

Si Jamilla ay ka-batch nina Kim Chiu at Gerald Anderson noong 2006 sa PBB at tinaguriang Teenage Mom ng Laguna.

Sa promotional photo ng Viva para sa Vivamax original series na Huwag Mong Agawin Ang Akin ay hindi halatang may 17-year-ld son na si Jamilla. Na-maintain niya ang kanyang ganda at magandang pangangatawan.


Pero ano ba ang pakiramdam na after ng kanyang PBB journey ay ngayon lang siya nagkakaroon ng magagandang break sa pelikula? Kung hindi pa dahil sa Vivamax ay hindi niya ma-eexperience ang bumida sa pelikula.

“Siyempre po sobrang saya ko po. I feel grateful  kasi sobrang tagal ko na rin kasi sa showbiz and finally kahit papaano nagbubunga  naman siya. Kumbaga, totoo nga ‘yung sinasabi nila na lahat may timing, maghihintay ka lang kung para s’ yo talaga. Ayun po, naghintay lang at eto na,” masayang pahayag sa PUSH ng sexy mom.

Inamin din ni Jamilla na maraming beses na niyang gustong talikuran ang showbiz dahil wala naman daw nangyayari sa kanyang career.

Aniya: “Naku, maraming beses na po talaga na gusto kong mag-quit.  Maraming beses na ako na parang … Siyempre, parang nagkakaroon ka na ng… Nagiging hopeless ka na.”

“Minsan wala kang project. Tapos yon nga nalulungkot ka kasi yung iba may mga projects sila. Dumating din ako sa time na kinuwestyon ko yung sarili ko na,  ‘Bakit ganun, bakit ako wala? So parang kapit lang, laban lang, intay ka lang kung para sa’yo talaga,” dagdag pa niya. 

Sa tanong ng PUSH kay Jamilla kung ano ang reaksyon ng kanyang teenager na anak na lalaki sa pagpapaseksi niya sa pelikula at dito sa bago niyang series na Huwag Mong Agawin Ang Akin. Aniya, naiintindihan daw naman siya ng kanyang anak.

“Actually, hindi namin napag-uusapan ‘yan ng 17 years old ko na anak na lalaki. But niintindihan naman niya yung trabaho ko,” pahayag ni Jamilla.

“Kumbaga, I’m a single mom and parang let’s face the reality na kailangan kong mag-work. Kasi ako lahat, eh. Kay nga sakto rin sa akin ‘tong project na ito kasi talagang nakaka-relate talaga ako don sa karakter ko,” ani pa niya. 

“Thankful ako kasi napalaki ko yung anak ko na naiintindihan niya yung trabaho ko. Alam niya na ano lang, work lang at professional naman ako na I’m not doing anything wrong naman,” patuloy niyang paliwanag.

Illan sa mga pelikulang nagawa ni Jamilla sa Vivamax ay ang X-Deal, Mahjong Nights, Kinsenas Katapusan, L, at Iskandalosa. Naging bahagi rin siya noon ng mga ABS-CBN teleserye na Nasaan Ka Elisa, Dugong Buhay at Mara Clara.

Samantala, kasama ni Jamilla sa Huwag Mong Agawin Ang Akin na idinirek ni Mac Alejandre at mapapanood sa July 31 sina  Angeli Khang, Felix Roco, Ahron Villaflor, Angelica Cervantes, at marami pang iba.