• Home
  • Fresh Scoops
  • Sumailalim sa enhancement procedure ang online sensation at dating ‘Pinoy Big Brother’ housemate na si Daisy Lopez, o mas kilala bilang Madam Inutz.

Madam Inutz, nagparetoke ng ilong

Sumailalim sa enhancement procedure ang online sensation at dating ‘Pinoy Big Brother’ housemate na si Daisy Lopez, o mas kilala bilang Madam Inutz.

Madam Inutz, nagparetoke ng ilong-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

07/29/2022 12:03 PM
Madam Inutz, nagparetoke ng ilong
Photo credit to @daisyinutz Instagram

Sumailalim sa enhancement procedure ang online sensation at dating Pinoy Big Brother housemate na si Daisy Lopez, o mas kilala bilang Madam Inutz.

Sa kanyang bagong vlog sa YouTube, ibinahagi ni Madam Inutz ang kanyang rhinoplasty o pagpaparetoke ng ilong. 


Kwento ng dating celebrity housemate, nakatanggap siya ng offer mula sa isang aesthetics at wellness center para gawin ang operasyon nang libre.

"So why not 'di ba! Hindi maglalabas si Madam Inutz ng daang daang libo para lang sa ilong ko," aniya.

Ayon pa kay Madam Inutz, hindi pa man siya nagiging artista ay pangarap na talaga niyang ipagawa ang kanyang ilong. 

"Pangarap [ko] talaga noon pa, kahit noong nag-a-abroad ako, noon ko pa gusto na ipaiba 'yung ilong ko dahil nga hindi naman perpekto," aniya.

Kasamang nagpunta ni Madam Inutz sa clinic ang kanyang macho dancer na boyfriend na si Tantan.

READ: Madam Inutz proud sa BF na macho dancer; iginiit na di siya gumagastos sa lalaki

Sa vlog, iginiit din ng online seller na walang masama sa plastic surgery o pagpaparetoke.

"'Yung mga ano diyan ah, 'wag niyong mamasamain 'yung mga taong gustong magpaayos ng kanilang mga itsura. Siyempre dagdag confidence din. Hindi naman porket nagpagawa ka is hindi ka na kuntento sa kung ano man ang meron ka. Kumbaga gusto mo lang din mag-level up pa," aniya.

"Siyempre bilang public figure ka na, bilang kilala ka na, nandun na rin 'yung kailangan mo na ring magpaganda at i-upgrade 'yung sarili mo, 'di ba."

Naging parte ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 bilang celebrity housemate si Madam Inutz, na unang nakilala matapos mag-viral ang kanyang online live selling.