• Home
  • Fresh Scoops
  • All eyes ngayon ang Thai pageant fans sa agaw-eksenang creation ng talented Filipino designer na si Rian Fernandez.

Disenyong Pinoy, bumandera sa stage ng Miss Universe Thailand 2022

All eyes ngayon ang Thai pageant fans sa agaw-eksenang creation ng talented Filipino designer na si Rian Fernandez.

Disenyong Pinoy, bumandera sa stage ng Miss Universe Thailand 2022-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/29/2022 11:32 AM
Disenyong Pinoy, bumandera sa stage ng Miss Universe Thailand 2022
Photo credit to Rian Fernandez and Patraporn Wang Instagram

Isa ang creation ng Filipino fashion designer na si Rian Fernandez sa mga agaw eksena sa naganap na preliminary competition sa Miss Universe Thailand 2022.

Si Rian ang napili ng kandidata na si Patraporn Wang na gumawa ng kaniyang gown na inirampa sa naganap na Preliminary competition ng prestigious pageant.

Sa isang Instagram post ni Rian, inilarawan niya ang pink see-through gown para sa kandidata na tinawag niyang “First in Bloom” na sunod sa tema ng Miss Universe Thailand 2022 na “New Beginnings”.


“Rian Fernandez gown inspired with the pink water lilies lake in Northeastern province of Udon Thani in Thailand. The gown is purely handmade and carefully hand embroidered with glass beads and Swarovski crystals. The color pink represents compassion, femininity, and new beginnings,” caption ng Pinoy designer sa post.

Bukod sa stunning pink gown, gumawa rin si Rian ng black velvet dress para sa kandidata sa naganap na gala night ng Miss Universe Thailand.

Samantala, pinasalamatan naman at pinuri ng kandidata ang naging creation ng Filipino designer na perfect ang fitting sa kaniyang naging performance.

“Preliminary evening grown @rianfernandez888 thank you so much for this amazing dress,” caption ni wang na sinundan ng praying emoji at watawat ng Pilipinas.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Pat 🦋 (@firstwang)

Sa July 30 gaganapin ang coronation night ng Miss Universe Thailand 2022 kung saan makikilala ang kanilang pambato na makakalaban naman ng Miss Universe Philippines na si Celeste Cortesi.

Bukod sa Miss Universe Thailand, inaabangan na rin ang mga creation ni Rian na isusuot ng ilang Pinay beauty sa gaganapin na coronation night ng Binibining Pilipinas 2022 this July 31 sa Smart Araneta Coliseum.