• Home
  • Fresh Scoops
  • Extra special ang pagsasama-sama ng talented Filipino drag queens sa ‘Drag Race Philippines.’

Kilalanin ang mga talented drag queens na sasabak sa first ‘Drag Race Philippines’

Extra special ang pagsasama-sama ng talented Filipino drag queens sa ‘Drag Race Philippines.’

Kilalanin ang mga talented drag queens na sasabak sa first ‘Drag Race Philippines’-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/28/2022 09:00 PM
Kilalanin ang mga talented drag queens na sasabak sa first ‘Drag Race Philippines’
Photo credits: @dragraceph on Instagram

Aarangkada na ang Philippine franchise ng RuPaul’s Drag Race na Drag Race Philippines kung saan magpapatalbugan ang 12 Filipino Drag Queens.

Sa pamamagitan ng official social media account ng Drag Race Philippines, ipinakilala na ang talented Filipinos na maglalaban laban para maging first ever Drag Race Philippines queen.


Hosted by multi-talented makeup transformation queen Paolo Ballesteros, aarangakada ang first season ng Drag Race Philippines starting this August 17, on Wow Present Plus.

Kasama rin ni Paolo ang talented host na si Kaladkaren and makeup artist  na si Jiggly Caliente.

Bukod sa exciting performances ng talented Pinoy Drag Queens, aabangan rin ang performances na isa sa mga signature sections ng RuPaul’s Drag Race.