• Home
  • Fresh Scoops
  • Duda ng ilang netizens, hinahanap ni Darna ang kanyang kalaban na si Valentina habang may ilan naman na may hinahanap ito ng ‘taong ahas.’

May ahas sa mall? Darna, spotted sa iba’t-ibang mall sa Metro Manila

Duda ng ilang netizens, hinahanap ni Darna ang kanyang kalaban na si Valentina habang may ilan naman na may hinahanap ito ng ‘taong ahas.’

May ahas sa mall? Darna, spotted sa iba’t-ibang mall sa Metro Manila-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

07/28/2022 07:28 PM
May ahas sa mall? Darna, spotted sa iba’t-ibang mall sa Metro Manila
Photo credits: @@JRBcreativeprod on Twitter

Usap-usapan ngayon sa social media ang paglabas ni Darna sa iba’t-ibang mall sa Metro Manila. 

Spotted ng ilang netizens si Darna na nakatayo sa pinakatuktok ng ilang branches ng isang sikat na mall chain sa bansa. 


Tanong ng ilang netizens: May hinahanap bang ahas si Darna? Kadikit na kasi ng nasabing mall chain ang isang urban legend tungkol sa umano’y taong ahas na sinasabing matatagpuan sa Robinsons Galleria. 

“Sa mga Robinsons pumupunta si #Darna kasi posibleng isa sa mga iyon ang kuta ni Valentina?” ani ng netizen na si @clifrobin2. 

“Si Darna at ang babaeng ahas sa Robinsons?” tanong naman ng netizen na si @iamianfau. 

READ: Alice Dixson, handa nang ilahad ang totoong kwento sa likod ng ‘taong ahas’ sa Robinsons

Gayunpaman, tuluyan na itong tinuldukan ni Alice Dixson na pinagmulan ng kwentong ito. 

Taong 2020 nang ilahad ni Alice ang totoong kwento kung saan sinabi niyang pinabulaanan niya ito noon pa man ngunit nagkaroon pa rin ito ng iba’t-ibang bersyon dahil sa ginawang pagsasaliksik ng ilang college students noon. 

READ: Alice Dixson, tuluyan nang tinuldukan ang kuwento tungkol sa ‘taong ahas’

Samantala, sinabi naman ng isang netizen na maaaring doon ito kinunan dahil ang bidang si Jane de Leon ay isa sa mga endorsers ng nasabing mall.  

“Connect the dot, kaya lumabas si Darna sa Robinsons Mall,” ani @JDLFanatic22

Ipapalabas na ang Darna The TV Series sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, TV5, ngayong ika-15 ng Agosto.