• Home
  • Fresh Scoops
  • Kasalukuyang nasa lock-in taping ang buong cast ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ sa pagyanig ng 7.4 magnitude na lindol sa Abra.

Shoot ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ naudlot dahil sa lindol?

Kasalukuyang nasa lock-in taping ang buong cast ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ sa pagyanig ng 7.4 magnitude na lindol sa Abra.

Shoot ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ naudlot dahil sa lindol?-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/27/2022 07:12 PM
Shoot ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ naudlot dahil sa lindol?
Photo credits: @therealrosannaroces and @direkrowell on Instagram

Kabilang ang produksyon ng FPJ’s Ang Probinsyano sa panunguna ni Coco Martin ang ilan sa mga personalidad na naapektuhan nang yumanig ang 7.3 magnitude na lindol sa Northern Luzon.

Sa isang Instagram post ng aktres na si Rosanna Roces, inilahad niyang lumikas sila sa tinutuluyang hotel sa Laoag City, Ilocos Norte kung saan kasalukuyang naka-lock-in taping ang buong cast ng programa.

“Grabe ang Lindol dito …nagtakbuhan talaga kami palabas ng hotel,” sambit ni Osang sa post na sinundan ng Hashtag Laoag City.


Bukod kay Osang, nagbahagi rin si Rowell Santiago ng isang litrato kung saan ipinasilip niyang nasa ligtas silang kalagayan matapos ang pag-yanig ng lindol.

“Maraming pasabog pa sa huling 3 linggo. Isa na itong naranasan namin ngayon araw na ito dito sa Norte,” bungad ni Rowell sa post.

Aniya sing lakas ng kanilang naranasang yanig ang dapat abangan sa huling mga lingo ng Ang Probinsyano.

“Magnitude of 6.9 Richter scale dito sa llocos Norte at 7.3 sa Abra…Yayanigin kayo sa mga susunod pang mga episodes kaya tutok lang… TULOY ANG LABAN.” pahayag ng aktor sa post.

Sa ngayon, kasalukuyang nasa Laoag, Ilocos Norte ang buong Ang Probinsyano stars para ikasa ang pagtatapos ng programa matapos ang pitong taon na tagumpay nito.