• Home
  • Fresh Scoops
  • Nag-viral kamaikailan sa TikTok ang ilan sa mga classic OPM novelty songs.

Masculados, masaya sa pag-viral ng ‘Jumbo Hotdog’ sa TikTok

Nag-viral kamaikailan sa TikTok ang ilan sa mga classic OPM novelty songs.

Masculados, masaya sa pag-viral ng ‘Jumbo Hotdog’ sa TikTok-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/27/2022 08:22 PM
Masculados, masaya sa pag-viral ng ‘Jumbo Hotdog’ sa TikTok

Hindi inakala ng Pinoy novelty group na Masculados na muling makikilala ang kanilang grupo dahil sa interactive social media platform na TikTok.

Kamakailan lang, trending muli ang “Jumbo Hotdog” na pinasikat ng Masculados noon.

“Actually nagulat kami, kasi hindi namin ine-expect na mag-hit ulit ang ‘Jumbo Hotdog,’” sambit ng isa sa mga miyembro nito na si Orlando Sol sa naganap na story conference ng kanyang upcoming project na Home Found in You kung saan siya magbibida.


Aniya, malaki ang ipinagpapasalamat ng Masculados sa TikTok na na tila naging daan para muli silang makilala ng bagong henerasyon.

“Sobrang masaya kami and thankful rin kasi nakikilala pa rin ang grupo namin and sakto kasi mayroon kaming inihahanda ng grupo kasi magre-release kami ng bagong kanta bago matapos ang taon ‘yung ‘Hoy Halika Dito’ ayan ang mga aabangan sa Masculados.”

Aminado ang Masculados member na labis nilang ikinakaktuwa ang maraming videos na kanilang napapanood sa social media na naging dahlian rin para ipakilala muli ang kanilang mga awitin.

“Sobrang saya and nakakatuwa ang dami nga e, minsan nila-like nga namin e every time na nakikita namin sa TikTok ‘yung ‘Jumbo Hotdog’ dance challenge sobrang saya lang, actually ping-uusapan namin ng grupo na gagawa pa kami ng isa pa ‘yung ‘Macho Papa’ and ‘Sana Mama,’” paliwang ni Orlando.

At kung kakamustahin naman ang grupo, masayang ibinalita ni Orlando na nanatiling buo ang kanilang samahan na lampas dalawang dekada na ngayon.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Orlando Sol (@iamorlandosol)

“Actually ang grupo, intact pa rin kami. Nagkaroon lang kami nang kani-kaniyang mga projects. Ngayon ‘yung isa nagko-compete for body building competition, si Enrico Muffar. Siya po ang leader namin sa grupo and after noon, Mr. Physique naman so naghahanda kami sa susunod and by August mag-pictorial kami, kaya nagpapagandahan na kami ng mga katawan,” sambit pa nito sa atin.

Kung tatanungin naman ang sikreto ng kanilang magandang samahan ng grupo: “Ano talaga noong binuo namin, parang kasi kaming magkakapatid na e, so sa hirap at ginhawa. Minsan sabay sabay kami sa Masculados Gym. Everyday nag work out doon, kahit walang mga projects. Magkakasama kami tapos lagi nag-uusap, pag may mga problema, nagtutulungan, nag-share kung ano ang pwede naming tulong sa bawat isa.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Orlando Sol (@iamorlandosol)

Ang naiwang mga pangaral rin sa kanila ng kanilang namayapang manager na si Maryo J. Delos Reyes ang isa sa mga pinapahalagahan nila hanggang sa ngayon. Ito ay nais rin nilang ibahagi sa susunod na henerasyon ng Masculados.

“Mayroon, iniisip na rin po namin ‘yan. Parang ganun kasi si late direk Maryo J Delos Reyes, ang dati naming manager. ‘Yun ang naging plano niya. Nag-recruit kami kaso hindi nga lang nagtuloy-tuloy kasi pagdating sa ganitong larangan, kailangan ‘yung passion and dapat dedicated ka sa larangan na ginagalawan mo. Kailangan, hindi porket nag-audition ka dito, instant pera. Kailangan mo rin kasi ang hard work. So magtanim ka muna don kasi papasok ‘yung inaasam mong income,” pahayag ni Orlando.