• Home
  • Fresh Scoops
  • Tila muling nag-react si AJ Raval sa mga bali-balitang buntis siya.

AJ Raval, ibinida ang bikini body sa gitna ng balitang buntis siya

Tila muling nag-react si AJ Raval sa mga bali-balitang buntis siya.

AJ Raval, ibinida ang bikini body sa gitna ng balitang buntis siya-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

07/27/2022 09:33 AM
AJ Raval, ibinida ang bikini body sa gitna ng balitang buntis siya
Photo credit to @ajravsss Instagram

Nag-post ang aktres na si AJ Raval ng bagong bikini photo sa gitna ng mga bali-balitang buntis siya. 

Sa kanyang post sa Instagram, makikitang ibinibida ni AJ ang kanyang magandang pangangatawan habang suot ang puting two-piece swimsuit at naliligo sa beach.

Hindi naman nito binanggit kung kailan at saan nakuha ang mga nasabing retrato.


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)

Nito lamang nakaraang linggo nang inilahad ng kolumnistang si Cristy Fermin ang diumano'y pagdadalantao ni AJ sa anak ng aktor na si Aljur Abrenica.

Ayon kay Cristy, ang pagbubuntis ng aktres ang dahilan kung bakit hindi nito tinapos ang movie project na sinimulan niya. 

"Walang nagsasalita sa magkabilang kampo. Tumigil na rin si AJ sa paglalabas ng mga larawan na flat na flat ang kanyang tiyan. Pero hindi po kasi makapagsisinungaling ang mga taong malapit sa kanila na aming source. Totoo po na nagdadalang-tao si AJ Raval," ani Cristy.

Ngunit sa naging pahayag ni AJ sa News5, pinabulaanan nito ang bali-balitang buntis siya. 

Hindi rin umano totoo na ito ang dahilan kung bakit hindi niya natapos ang ginagawang proyekto. Ayon sa aktres, nagpositibo siya sa COVID-19 sa gitna ng shoot tulad ng ibang mga artista na kasama niya sa set. 

READ: AJ Raval, pinabulaanan ang isyung buntis siya

Samantala, tikom pa rin ang bibig ni Aljur sa bali-balitang magkakaroon na sila ng anak ni AJ. Matatandaan na may dalawang anak na ang aktor sa dating asawa nito na si Kylie Padilla.