• Home
  • Fresh Scoops
  • Nanakawan ang staff ni DJ Jhaiho sa Thai tea shop na pagmamay-ari niya.

DJ Jhaiho, may babala sa mga netizens matapos manakawan ang staff ng kanyang Thai tea shop

Nanakawan ang staff ni DJ Jhaiho sa Thai tea shop na pagmamay-ari niya.

DJ Jhaiho, may babala sa mga netizens matapos manakawan ang staff ng kanyang Thai tea shop-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

07/26/2022 04:58 PM
DJ Jhaiho, may babala sa mga netizens matapos manakawan ang staff ng kanyang Thai tea shop
Photo credit to @mor1019jhaiho Instagram

Nagbigay ng babala ang radio DJ at online personality na si DJ Jhaiho matapos manakawan ang isa sa mga staff sa kanyang negosyo. 

Nasalisihan ang barista ng kanyang Thai tea shop sa SM North Edsa Annex na saglit lamang nawala sa counter. 

Sa nasabing video, makikitang daha-dahan lumapit ang magnanakaw hanggang sa naka-tiyempo ito upang kunin ang cellphone ng kanilang staff. Agad naman itong umalis papalayo matapos makuha ang cellphone. 


Humingi ng tulong si Jhaiho na ikalat ang video upang matunton ang magnanakaw ng cellphone. 

READ: DJ Jhai Ho, kinuwento kung paano natanggap ng ama niya ang pagiging ‘beki’ niya

“HELP PLEASE! MAGNANAKAW SPOTTED sa aming @baabaathaiteaofficial SM North Edsa Annex Branch! Paki kalat ang video nakaka kilabot! Mga hindi lumalaban ng patas!” ani JhaiHo sa caption ng kanyang post. 

Ani JhaiHo, naaawa siya sa kanyang staff lalo pa’t alam niyang nagtatrabaho lang ito ng matino. 

“Nakakaawa ang barista namin na may ari ng cellphone na ninakaw ni kuya! Naghahanapbuhay ng matino tapos nanakawan mo lang?” ani JhaiHo. 

Panawagan pa ni Jhaiho, maaaring ipagbigay-alam sa kanilang tea shop kung may nakakailala sa nagnakaw ng cellphone. 

“Kung sino man po ang nakakakilala or namumukhaan ang lalaking ito. ipagbigay alam sa mismong BaaBaa Thai Tea sa 3rd Level ng SM North Edsa Annex,” saad niya. 

Tingnan ang kanyang post sa ibaba: 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by JhaiHo (@mor1019jhaiho)

Sa panayam ng PUSH, sinabi ni Jhaiho na agad na ipinaalam ng kanyang staff sa mga security guard sa mall ang tungkol sa insidente. 

Si DJ Jhaiho ay kilala bilang isa sa mga radio DJ ng MOR at host ng online show na Hotspot.