Komedyanteng si Carlos ‘Ogag’ Alde, pumanaw na

Tuluyan nang namaalam si Carlos “Ogag” Alde.

Komedyanteng si Carlos ‘Ogag’ Alde, pumanaw na-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

07/25/2022 03:47 PM
Komedyanteng si Carlos ‘Ogag’ Alde, pumanaw na
Screenshot from Coco Martin PH YouTube Channel

Pumanaw ang komedyanteng si Carlos ‘Ogag’ Alde sa edad na 60 nitong Biyernes, ika-22 ng Hulyo. Heart attack ang ikinamatay ni Caloy. 

Kinumpirma ng asawa ni Caloy na si Rhoda sa PEP ang kanyang pagpanaw nitong Lunes, ika-25. 

“We rushed him to the hospital kaya lang wala na. They tried to revive him sa hospital pero talagang wala nang electric impulse ang heart niya,” ayon kay Rhoda. 


Ayon pa kay Rhoda, dalawang taon nang magsimulang uminom ng maintenance na gamot si Caloy matapos nitong ma-diagnose ng congestive heart failure at chronic kidney disease.

Samantala, inanunsyo naman ni Rhoda sa isang Facebook post na maaaring bisitahin ang mga labi ng kanyang asawa simula bkas, ika-26 ng Hulyo hanggang Linggo, ika-31 ng Hulyo. 

Abiso ng kanyang pamilya, dalhin ang vaccination card ayon sa pamunuan ng St. Peter. 

“Those who wish to pay their last respect to Carlos "Caloy" Alde

Where: St. Peter Chapel Commonwealth / Tandang Sora Rm. 106 July 26 6PM - July 31,” ani Rhoda. 

Ihahatid naman si Caloy sa kanyang huling hantungan alas tres ng hapon sa darating na ika-31 ng Hulyo sa Holy Cross, Novaliches Quezon City. 

Si Caloy, o mas kilala bilang “Ogag,” ang tinaguriang Mr. Bean ng Pilipinas. 

Ipagdiriwang sana ni Caloy ang kanyang ika-61 na kaarawan ngayong darating na ika-28 ng Hulyo. 

Lumabas si Caloy sa iba’t-ibang pelikula at programa sa telebisyon gaya ng FPJ’s Ang Probinsyano.