• Home
  • Fresh Scoops
  • Tila mas naging close pa ngayon sina Chico Alicaya at Amanda Zamora matapos ang pagsasama nila sa Star Magic film na “Connected.”

ChiManda, ibinahagi ang mga nadiskubre sa isa’t isa

Tila mas naging close pa ngayon sina Chico Alicaya at Amanda Zamora matapos ang pagsasama nila sa Star Magic film na “Connected.”

ChiManda, ibinahagi ang mga nadiskubre sa isa’t isa-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

07/25/2022 02:50 PM
ChiManda, ibinahagi ang mga nadiskubre sa isa’t isa

Tila mas naging close pa ngayon ang onscreen tandem na sina Chico Alicaya at Amanda Zamora matapos ang pagsasama nila sa Star Magic film na "Connected."

Sa "PUSH Bets Live" kamakailan, masayang nagkwento ang dalawa tungkol sa kanilang bagong pelikula at kung paano ito nakatulong sa kanilang relasyon bilang magka-love team.


"So I play the role of Sandy and Sandy is a socialite princess na very similar sa akin pero may pagka-activist. She doesn't really have the same beliefs as her parents pero pinaglalaban niya 'yung mga paniniwala niya. But aside from that, she has big respect for her parents," ani Amanda.

"Before this, we did 'Love At First Stream.' It was only one sequence. Super short guesting lang, like no history to the character whatsoever. So sobrang different now [kasi part na kami] ng lead cast."

Ayon naman kay Chico, bagama’t may mga pagkakataon na hindi sila nagkakasundo ni Amanda sa set, mas tumibay pa ang kanilang koneksyon at lumakas din ang kanilang chemistry sa paggawa ng "Connected."

"I'm really lucky now na Amanda's my partner kasi there's no problem with her. Yeah, there is miscommunication, meron kaming ganun, but I think that's part of it," aniya.

"Kapag may miscommunication kami, the next day we're done, we're good. And then kapag mag-shoot, we're good. I think that's where it's really great, that's where the chemistry is stronger. Yeah, we were close before pero now it's just really stronger especially [we spent so much time together shooting the project]."

Samantala, bukod sa kanilang karanasan ay ibinahagi rin ng dalawa ang mga nadiskubre nila sa isa't isa habang shinu-shoot ang "Connected."

"'Yung na-discover ko kay Chico is 'yung patience niya. Kasi nga dito sa lock-in na 'to was the most intense na away na na-experience po namin. Pero at the end of the day sobrang patient niya sa 'kin kasi we're a team, we don't work individually but as a team. So if we don't help each other and go past our arguments, hindi po kami magiging successful sa movie kasi tulungan 'yun," ani Amanda.

Pagbabahagi naman ni Chico: "You know, people are always on their phones right now, but what I discovered with her is that when it's work, it's work. The professionalism is there. And I mean, dealing with shoot and college, that's different. It's like me as a student athlete. Playing football, being the best at your game, and then you have to do your studies. But football is football, and sa kanya it's like, being an actress is being an actress."

Matatandaan na nagsimula ang tambalan nina Chico at Amanda matapos nilang makalabas sa loob ng bahay ni Kuya bilang mga housemate ng "Pinoy Big Brother: Connect."

Bukod sa "ChiManda", tampok din sa "Connected" ang housemates na sina Gail Banawis, Ralph Malibunas, Kobie Brown at Andi Abaya. Kasama rin sa pelikula ang host na si Richard Juan.

Mapapanood ang "Connected" sa KTX, iWantTFC, TFC IPTV Video on Demand at Sky Cable pay-per-view.