• Home
  • Fresh Scoops
  • Isa si Awra Briguela sa mga karakter na dapat abangan sa bagong iWant TFC series na “Lyric and Beat.”

Awra Briguela, inaming takot na magka-jowa ngayon: ‘Boy bestfriend na lang’

Isa si Awra Briguela sa mga karakter na dapat abangan sa bagong iWant TFC series na “Lyric and Beat.”

Awra Briguela, inaming takot na magka-jowa ngayon: ‘Boy bestfriend na lang’-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/25/2022 06:19 PM
Awra Briguela, inaming takot na magka-jowa ngayon: ‘Boy bestfriend na lang’

Aminado si Awra na takot siyang magka-dyowa ngayon.

Thankful and blessed ngayon ang former Kapamilya child star na si Awra Briguela na bahagi ng upcoming iWant TFC series na Lyric And Beat

Kuwento ni Awra sa panayam ng PUSH, unexpected ang kaniyang pagiging bahagi ng bagong musical series kung saan makakasama niya ang malapit na kaibigan na si Andrea Brillantes. 


“They were preparing and rehearsing since December pa, but ako nasabihan ako weeks na lang before mag lock-in taping and all of the cast were surprised that I am part of Lyric and Beat. Kaya nung confirmed na, I messaged Blythe na ‘Babe magkaka-work tayo’ kaya surprised na surprised siya. And ako rin po ang pinaka maikli ang time na nag prepare for Lyric and Beat and kahapon ko lang din nalaman na si Sir Deo ang nag-push para maging part ako dito” bungad ni Awra. 

Aniya, malaki ang kaniyanag pasasalamat sa Dreamscape Entertainment head na si Deo Endrinal na nag-push para magig bahagi si Awra sa proytekto.

“Kung alam niyo lang po how grateful I am in that moment. I was grateful and happy na that time and ‘yun pa ‘yung malalaman ko. I didn’t feel bad na hindi ako original part ng cast eh – more of overwhelmed and grateful kasi they pushed me to be part of this musical series,” aniya.

Talking about her character naman, ibinahagi ni Awra ang kaniyang extraordinary role bilang si Unique sa bagong proyekto na isa sa mga aabangan dahil sa kaniyang representation sa LGBTQIA+ community.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Push (@pushalerts)

“In this series, I was the one who is powerful enough to stand up for myself, tapos ano talaga ako dito, like inaaway ko lahat, ‘yung mga bida, inaaway ko lahat kasi ganun ako ka confident here. And ganun ko gusto makita ang mga gays and transgender lahat ng member ng LGBTQ community – I  want to see them na I am strong and kaya nilang mag stand up for themselves,” saad niya.

Paliwanag pa ni Awra, malaki ang pagkakahawig nila ng kaniyang karakter sa personal niyang buhay na isang palaban at hindi nagpapaapi sa anumang hamon ng buhay.

“Unique is very me talaga, I never experienced bullying talaga. Because I know my position eh. When someone bullies me, I know how to defend myself, I can stand up for myself. Never ko na-experience ang ma bully, kahit na babae o lalaki ka, once you bully me, hindi kita papayagan. Kasi sa bahay, ‘yung tatay ko 3 years old pa lang ako they accepted me for who I am, and who are you to judge my gender and who are you to bully me,” ani Awra.

Bukod sa kaniyang role, isa rin sa ipinagpapasalamat ni Awra ang tuloy-tuloy na blessings na kaniyang natatannggap ngayon na isa sa masasabi niyang milestone sa kaniyang buhay. 

“Honestly, I couldn’t ask for more. But of course if bibigyan pa ako ng maraming blessings ni Lord, buong puso kong tatanggapin ‘yun, but iba eh. I started working at 12 and I am 18 now, so six years sa six years na ‘yun hindi siya naging madali. ‘Yung adjustment, pero na enjoy ko lang siya kaya di rin ako nahirapan and na-enjoy ko lang siya kaya up until now,” matamis na kwento ni Awra.

Dagdag pa niya: “Kahit anong busy and kahit anong dami ng trabaho, hindi ako napapagod kasi, ini-enjoy ko lang siya and knowing may natutulungan ako and ‘yung family ko napapasaya ko and also myself nakukuha ko ‘yung gusto ko kasi ang sarap sa feeling na ‘yung bagay na gusto ko pinagtrabahuhan ko.”

Well-achieved man sa kaniyang buhay, aminado si Awra na ito ang perfect timing para sa hanapin niya ang kaniyang inspiration.

“I don’t have a jowa, I don’t have suitor, wala akong nakakausap. They know me, I am the most open book person and sini-share ko talagaa sa followers ko kapag nagakakaroon ako ng inspiration, kahit hindi pa boyfriend, pinapublic ko na agad. Isi-share ko na lang sa kanila kung mayroon, pero ‘yung nakikita nila puro mga boy bestfriend na lang kasi takot na ulit ako mag jowa ngayon,” sey ni Awra.

Mapapanood si Awra sa six episode series ng “Lyric And Beat” this coming August sa iWant TFC app.