• Home
  • Fresh Scoops
  • Nasaktan umano si Ella Cruz sa mga naging pahayag ni Pokwang tungkol sa kanya.

PANOORIN: Ella Cruz, sinabing ‘below the belt’ pahayag ni Pokwang tungkol sa kanya

Nasaktan umano si Ella Cruz sa mga naging pahayag ni Pokwang tungkol sa kanya.

PANOORIN: Ella Cruz, sinabing ‘below the belt’ pahayag ni Pokwang tungkol sa kanya-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

07/24/2022 06:41 PM
PANOORIN: Ella Cruz, sinabing ‘below the belt’ pahayag ni Pokwang tungkol sa kanya
Photo Credit: The Boy Abunda Talk Channel on Youtube

Inamin ni Ella Cruz na nasaktan siya sa mga binitawang salita ni Pokwang tungkol sa kontrobersyal niyang pahayag na “history is like tsismis.”

 

 

Nang tinanong kung nasaktan siya sa mga natanggap niyang mga salita tungkol sa kanya sa social media, sagot ni Ella: “Sobra. Kasi ‘yun ‘yung pamilya ang turing mo eh. Anlaki ng respeto ko sa kanila..” 

Ani Ella, nalaman niya ang mga reaksiyon ng mga kasamahan niya sa industriya mula sa mga taong malalapit sa kanya dahil mas pinili niyang huwag buksan ang kanyang mga social media apps. 

“Hindi po ako nag-open nung ng social media nung time na ‘yun kasi nakapatay notifications ko, tanging mga messaging apps lang po ng mga taong pwedeng mag-reach out sa akin,” sey ni Ella. 

“Nagsesend sila ng mga screenshots ng mga nagti-tweet, nagpo-post. Nagulat ako kasi parang nung una medyo parang ‘Wala naman ‘tong pake saken ah. Di naman ako minemessage nito after namin mag-work. Bakit siya nagsalita ng ganyan?’” dagdag pa niya. 

Hindi naman umano inaasahan ni Ella na makakatanggap siya mga masasakit na salita mula sa mga taong malalapit sa kanya lalo pa’t tinuring niya na ang mga ito bilang pamilya. 

“’Yung worst is ‘yung mga taong ‘yun pamilya mo tinuring nung mga time na magkasama kayo at hanggang ngayon, chine-cherish mo ‘yung napagsamahan niyo and nirerespeto mo sila. Kapag nagkita kayo, mahal mo pa rin sila,” saad ni Ella. 

Read: Pokwang lambasts ‘Aryana’ co-star Ella Cruz: ‘Mabuti pang ibalik na kitang muli sa dagat ‘nak’

“Ganun po kasi ako eh. ‘Pag nakatrabaho ko po kayo, mahal ko po kayo. Tapos may makikita ka na ‘Bakit ganun ‘yung nasabi nila? Meron ba akong nagawa sa kanila?’ Pero wala naman silang message saken,” aniya. 

Kinailangan din umano ni Ella na mag-unfriend ng mga tao kasunod ng nangyari sa kanya. 

“Meron din po akong mga family friend na simula ako mag-artista, I had to unfriend kasi sabi ko ‘I can’t believe na isa ka sa mga hindi makakaintindi saken or parang tutulong ka saken para ipaintindi saken kung ano ‘yung nangyayari’,” aniya. 

Pagpapatuloy pa niya:“So, marami pong nawala na mga kaibigan pero sabi ko nga kahit ganun ‘yung mga nagawa nila, hindi naman mawawala ‘yung respeto ko sa kanila. Pero ‘yung trust, guarded na ako ‘pag nandiyan na sila.” 

Mas lalo namang hindi inasahan ni Ella ang mga salita na nanggaling mismo kay Pokwang na naging nanay niya sa telebisyon sa pamamagitan ng fantaseryeng Aryana. 

“Hindi ko po inasahan na masasabi niya ‘yun. Naging nanay ko po kasi siya eh even though ten years ago pa. Okay lang ‘yung isang tweet. Pero tatlo po kasi ‘yung nakita ko eh. ‘Yung pangalawa, OA na. Below the belt na. Tapos ‘yung isa, writer pa ng Aryana kasagutan niya,” aniya.

“Naalala ko binibisita ko pa sila tuwing breaktime nila — even after the show. So, masakit. Masakit talaga na ‘yung mga taong hindi mo inaasahan, makakapagsalita pa sila ng ganyan sayo. Ni hindi ka man lang nila tinext, ni hindi ka man lang nila dini-M kahit sa Instagram,” dagdag pa niya. 

Inamin naman ng Maid in Malacañang star na wala siyang sama ng loob kay Agot Isido tungkol sa tweet niya na sana hindi na lang siya nagsalita tungkol sa isyu habang naiintindihan naman umano niya ang mga pahayag ni Gretchen Ho.