• Home
  • Fresh Scoops
  • After a more than two-year delay, Rachel Alejandro stages a concert in the country once again.

Rachel Alejandro to stage a one-night concert in the Philippines after two-year stay in the US

After a more than two-year delay, Rachel Alejandro stages a concert in the country once again.

Rachel Alejandro to stage a one-night concert in the Philippines after two-year stay in the US-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/23/2022 07:03 PM
Rachel Alejandro to stage a one-night concert in the Philippines after two-year stay in the US
Photo Credit: @racheljalejandro on Instagram

Nasa Pilipinas ngayon para sa one-night concert ang singer-actress at hitmaker na si Rachel Alejandro. Titled Rachel Alejandro: Live In Concert,  gaganapin ito sa Winford Manila Resort and Casino Ballroom on July 30, 8 pm. 

“In the past two years medyo nag-stay po kasi ako ng medyo matagal sa US and I am currently doing US concert tour. And karamihan din naman ng mga show ngayon sa US ay nakaplano na nung 2020 pa,  so, parang ngayon biglang natuloy lahat itong mga concert na ito,” simulang kuwento ni Rachel sa PUSH. 

March 2020 ang original schedule ng concert ni Rachel pero dahil nga nagkaroon ng lockdown kaya hindi ito natuloy. Habang nasa Amerika ay nakaroon na rin daw siya ng ilang series of shows. 


“Actually, nung March 2020 pa dapat itong concert ko. Sold out na rin halos yung tickets pero yon nga, nag-lockdown.  Since then, lagi naman kaming nag-uusap ng director ng show ko until we finally decided na, ‘Iituloy na natin ‘to’ kaya ngayong July 30 wala nang atrasan,” excited niyang pahayag. 

Read: Rachel Alejandro reveals which young OPM singers she wants to collaborate with

Ayon kay Rachel, iba pa rin talaga ang pakiramdam na mag-perform sa harap ng live audience. 

Lahad niya, “Thankful ako kay God and of course sa mga scientist, mga doctor, at mga frontliners na talagang sila yung mga heroes during these time. We are very grateful na nandito pa rin tayong lahat and nabigyan pa tayo ng opportunity to share music once again at magkasama-sama at magkita-kita sa mata. Kasi in the past two years puro online and iba talaga yung feeling na nandiyan yung audience.” 

Pang-11th concert na ni Rachel after the pandemic ang concert niya sa Winford Hotel. 

“So far nakaka-10 shows na ako sa US, so ito yung pang-11 show ko na with the live audience. Dito sa Philippines ito ang pinaka-una kong concert after the pandemic kaya sobrang excited ako. Pagpasensyahan niyo na  rin kung medyo… And of course, after The Broken Marriage Vow ito na rin yung pasasalamat ko sa mga tao. Gusto ko lang mapatunayan din na concert artist pa rin po ako,” pahayag ng singer. 

Ginampanan ni Rachel sa The Broken Marriage Vow ang karakter ni  Nathalia Lucero. 

“I was among the fortunate ones who were able to pivot to doing something else during the pandemic,” pagmamalaki pa niya. 

Panauhin sa Rachel Alejandro: Live In Concert  ang X-Factor UK finalist na si  Maria Laroco at ang  crooner na si Lance Carlos. The concert is directed by Vergel Sto. Domingo. 

Read: Rachel Alejandro, ibinahagi ang sikreto sa kanyang fit na pangangatawan

After her concert ay babalik na ulit sa Amerika si Rachel para makasama ang kanyang journalist husband na si Carlos Santamaria who is based in New York. Taong 2011 nang magpakasal sina Rachel at Carlos pero hindi sila biniyayaan ng anak. 

“I had a dog but he passed away, so siya na yung pinaka-anak ko na, I never had kids. But I have mga nieces and nephews na will probably take over the Alejandro music royalty,” natatawang sabi Rachel. 

Samantala pagbalik sa US ay itutuloy din ni Rachel ang ilan pang series of shows na naka-schedule on  August 27 in Matawan, New Jersey; September 3 in Winston Salem, North Carolina; September 24 in Rochester, New York; October 1 in Queens, New York; October 8 in Anchorage, Alaska; October 16 in Arlington, Texas (Sari-Sari Festival); and October 22 in Portland, Oregon.