• Home
  • Fresh Scoops
  • senswal na bagay Naniniwala si director GB Sampedro na tanggap na ng streaming audience ang mga tema na senswal.

Director GB Sampedro iginiit na hindi dapat iniiwasang pag-usapan ang mga senswal na bagay

senswal na bagay Naniniwala si director GB Sampedro na tanggap na ng streaming audience ang mga tema na senswal.

Director GB Sampedro iginiit na hindi dapat iniiwasang pag-usapan ang mga senswal na bagay-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/23/2022 12:17 PM
Director GB Sampedro iginiit na hindi dapat iniiwasang pag-usapan ang mga senswal na bagay
Photo credit: @gbsampedro Instagram

Ayon sa movie and TV director na si GB Sampedro, may puwang at tanggap na ng streaming audience ang mga pelikula o series na ang tema ay tungkol sa sex. Si GB ang direktor ng Vivamax series na High on Sex na may matinding hubaran at love scene ang mga bidang sina Wilbert Ross, Denise Esteban, Angela Morena, Katrina Dovey, at Migs Almendras.

“Dapat nag-e-evolve ang market natin. Hindi lang tayo dapat nag-i-stick sa mga nakagawiang napapanood o the usual na tinatangkilik ng manonood natin sa pelikula o series,” sabi agad niya.

“Kung mapapansin natin sa ibang bansa, ang mga flat form nag-e-evolve din sila, eh. Nag-e-eksperimento sila and it’s high time na mag-eksperimento tayo and it’s high time na i-consider din natin na mag-offer ng kakaiba para dito sa ating market sa Pilipinas. 


“And naniniwala kong may market ang ganito dito sa Pilipinas. I think tayong mga Pinoy naman siguro it’s about time na makatikim ng something new,” paliwanag ng director.

BASAHIN: Director GB Sampedro on shooting sexy scenes of AJ Raval and Wilbert Ross: ‘Hindi mahahaluan ng malisya’

Dagdag pa ni Direk GB, dapat ay maging bukas na rin ang isip ng tao lalo na ang mga kabataan sa usaping sex.

“Ako kasi hindi ko naman tinitingnan ang sex na something immoral or something na parang ikahihiya o hindi dapat hindi pag-usapan. Kasi ibang panahon na tayo ngayon, eh. So, dapat pinag-uusapan nga natin yan para aware ang mga kabataan sa kung ano ang mae-experience nila sa buhay nila. Pero siyempre kailangan may mga iko-consider din tayo sa paggawa ng ganitong series,” rason niya.

Hirit pa ng direktor, “Ang sex naman kasi hindi naman masamang word yan. So, kumbaga parang… tinatanong nga sa atin kung ano ang sex mo – male or female di ba, so maraming meaning ang sex.

“Without sex wala din tayo dito sa mundo. So dapat we don’t think it na parang bastos or taboo or something na kalangan mong ilagan kapag pinag-uusapan. Dapat nga openly pinag-uusapan ang sex at nadi-discuss ang sex especially sa mga kabataan para hindi sila mabigyan ng ibang interpretasyon o ibang kulay pag naririnig nila ang salitang sex.”

BASAHIN: Wilbert Ross okay lang kahit tawaging ‘bold star’ ng mga dating kasamahan sa ‘It’s Showtime’

Sang-ayon din si Wilbert sa sinabi ng direktor.

“Sa akin naman po normal lang yung word na sex. Ginagawa naman po siya ng lahat. Wag lang masyadong gamitin yung Tagalog term kasi yon po yung medyo off at malaswang pakinggan.

“Sana mamulat na yung mga gustong mamulat. Sana rin hindi na siya sobrang i-judge talaga lalo na yung mga project na ganito. Kasi pag nakita mo yung title parang, ‘Ay ang bastos’ pero hindi naman talaga yon yung istorya.”

Naging direktor noon si GB ng mga Kapamilya shows na Your Song, Precious Hearts Romances Presents bago nag-venture sa screen writing, movie and concert directing.

Bukod sa High on Sex series ay si GB rin ang direktor ng pelikulang Purificacion na pinagbibdahan nina Josef Elizalde at Cara Gonzales.