• Home
  • Fresh Scoops
  • Kakaiba ang naging bonding experience ng PBB hosts na sina Bianca Gonzalez, Kim Chiu, Robi Domingo, at Melai Cantiveros kasama ang dating big winner na si Maymay Entrata.

PANOORIN: PBB hosts, pumasok ng horror house

Kakaiba ang naging bonding experience ng PBB hosts na sina Bianca Gonzalez, Kim Chiu, Robi Domingo, at Melai Cantiveros kasama ang dating big winner na si Maymay Entrata.

PANOORIN: PBB hosts, pumasok ng horror house-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

07/21/2022 12:27 PM
PANOORIN: PBB hosts, pumasok ng horror house
Photo credit to @chinitaprincess Instagram

Kakaiba ang naging bonding experience ng Pinoy Big Brother hosts na sina Bianca Gonzalez, Kim Chiu, Robi Domingo, at Melai Cantiveros kasama ang dating big winner na si Maymay Entrata.

Sa post ni Kim sa Instagram, makikitang sama-samang binisita ng grupo ang horror house na Nightmares MNL (dating Asylum Manila) na matatagpuan sa Parañaque City.

"Sharing with you ang kakaibang bonding experience na pakulo ni @mrandmrsfrancisco sa amin!!! bonding kung bonding na malala na may kasamang takutan!!! malala ang nerbyos ko talaga! Pero nag enjoy kami ng super!!! Thank you fam ate @iamsuperbianca @maymay @iamrobidomingo and miga!!!!" ani ng aktres.


"@nightmaresmanila malala kayo! Ang galing nyo!!!"

Bukod dito ay naglabas din ang aktres ng vlog tungkol sa kanilang nakakatakot ngunit masayang experience sa kanyang YouTube channel.

Sa video, makikitang sinulit ng hosts ang kanilang pagbisita dahil hindi lamang sila isang beses pumasok ng horror house, kundi dalawa.

"Ang tatapang kaya Round 2 [pa]," ani Kim.

Nito lamang Mayo nang nagtapos ang ika-10 season ng sikat na reality show na Pinoy Big Brother.

Si Bianca ang pumalit na main host ng programa matapos ang biglaang pag-alis ni Toni Gonzaga noong Pebrero. Bukod kina Kim, Robi, at Melai, kabilang din bilang host ng "PBB" ang aktor na si Enchong Dee.