• Home
  • Fresh Scoops
  • Inaasahan na magiging star-studded ang inaabangang kasal ng Olympic weightlifter na si Hidilyn Diaz at fiancé nito na si Julius Naranjo.

KILALANIN: Mga artistang imbitado sa kasal ni Hidilyn Diaz

Inaasahan na magiging star-studded ang inaabangang kasal ng Olympic weightlifter na si Hidilyn Diaz at fiancé nito na si Julius Naranjo.

KILALANIN: Mga artistang imbitado sa kasal ni Hidilyn Diaz-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

07/21/2022 12:33 PM
KILALANIN: Mga artistang imbitado sa kasal ni Hidilyn Diaz
Photo credit to @mayadstudios Instagram

Inaasahan na magiging star-studded ang inaabangang kasal ng Olympic weightlifter na si Hidilyn Diaz at fiancé nito na si Julius Naranjo.

Sa "Level Up Exclusives" ng manager ni Hidilyn na si Noel Ferrer, pinangalanan ng magkasintahan ang mga artista na dadalo sa kanilang kasal na gaganapin nitong Hulyo 26 sa Baguio City.

Ayon kay Hidilyn, kabilang sa kanyang entourage ang mga kilalang aktres na sina Judy Ann Santos, Angel Locsin, at Iza Calzado.

"Kasi siyempre naghahanap tayo ng inspiration eh, sa wedding, sa marriage," paliwanag niya.

Si Judy Ann ay mahigit 13 taon nang kasal sa kanyang asawa na si Ryan Agoncillo, habang si Iza naman ay tatlong taon nang kasal sa kanyang mister na si Ben Wintle.

Samantala, ikinasal naman si Angel sa kanyang asawang si Neil Arce noon lamang 2021.

Dagdag ni Hidilyn, bukod sa mga bituin ay imbitado rin sa kanilang kasal ang newscaster na si Atom Araullo at mang-aawit na si Arman Ferrer. 

READ: Hidilyn Diaz chooses Francis Libiran as official designer for upcoming wedding

Sa Philippine Military Academy sa Baguio gaganapin ang kasalang Hidilyn at Julius itong darating na Martes, Hulyo 26, o isang taon matapos ang pagkapanalo ni Hidilyn ng ginto sa Tokyo Olympics.

Matatandaan na Oktubre noong nakaraang taon nang na-engage ang magkasintahan, matapos ang halos apat na taon bilang magkarelasyon.