• Home
  • Fresh Scoops
  • Alex Diaz: ‘I’m so scared of commitment, I really have bad trust issues’

Alex Diaz, aminadong takot makipag-relasyon sa ngayon

Alex Diaz: ‘I’m so scared of commitment, I really have bad trust issues’

Alex Diaz, aminadong takot makipag-relasyon sa ngayon-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/21/2022 02:24 PM
Alex Diaz, aminadong takot makipag-relasyon sa ngayon

Perfectly cast si Alex Diaz sa LGBT film na Pathirsty. Kuwento ang pelikula ni Direk Ivan Payawal produced by IdwaFirst Company and Viva Films dahil tungkol ito sa pagtanggap sa totoong kasarian at pag-a-out nito sa tunay niyang gender. As we all know, three years ago lang nag-out si Alex about his true gender at bilang proud member ng LGBTQ+ community.

When Alex decided to come out as a bisexual ay tinanggap na niyang wala na siyang magiging showbiz career sa Pilipinas kaya minabuti na lang niyang bumalik ng Canada para magtrabaho sa isang pizza parlor.

Pero laking gulat ng dating Star Magic artist na tinanggap ng publiko ang tunay niyang pagkatao. Nagbukas din ito ng pinto para maging bida siya sa ilang BL projects.


“Alam ko tapos na yung career ko dito but sobrang nakahinga ako, like 25 years I was holding my breath. Ganito pala mabuhay nang wala kang itinatago. Nothing different, it’s still me. Nothing changed that much,” pahayag ni Alex sa press pagkatapos ng private screening ng pelikula niyang Pathirsty sa Gateway Cineman nitong Lunes, July 18, 2022.

READ: ABS-CBN opens auditions for the Philippines’ first ever BL dating show ‘Hello Searcher’

Dagdag pa ni Alex, “I’m just happy and I’m still trying to explore it and still dating.”

Wala pa ba siyang planong makipag-relasyon?

“I’m so scared of commitment, I really have bad trust issues,” sagot niya.

“Siguro, date-date lang muna but no serious relationship for now,” giit pa niya.

Aminado ang hunky actor na may pagka-pathirsty daw talaga siya in real life. Ang pathirsty ay isang millennial term na ang ibig sabihin ay mahilig mag-selfie, magpa-cute at mag-post ng mga sexy pics ng sarili sa socmed.

“Yes, if you can check sa socmed accounts ko pathirsty talaga ako and I think wala namamg masama don. Those are my pages anyway,” sabi pa ni Alex.

READ: Alex Diaz hopes for more opportunities for bisexual actors: ‘It’s time to graduate from just telling coming-out stories or love stories’

Alex started his career in the industry in 2013 as he was launched as part of Star Magic Circle Batch 2013.

Bago lumantad bilang bisexual ay naipakilala pa ni Alex ang kanyang non-showbiz girlfriend.

“Being in the closet and outed is hell especially in a country like this na very conservative,” pagre-recall niya.

Hanggang ngayon daw ay shy type pa rin si Alex pero nagbabago ang personalidad niya kapag nakainom na siya ng alak.

“Kapag hindi ako lasing, wala, torpe ako, but when I’m drunk, ‘pag basag ako, walang makakapigil sa akin. When I like somebody, I will definitely say it,” pagsisiwalat niya.

Anyway, kasama ni Alex sa pelikulang napapanood sa Vivamax  sina Adrianna So, Chad Kinis, at Kych Minemoto, at marami pang iba.